GOLFER YUKA SASO, MAS PINILI ANG MAGING JAPANESE CITIZEN

Ang Tokyo Olympian at kasalukuyang US Women’s Open champion na si Yuka Saso ay nagdesisyong piliin na maging citizen ng Japan kapag naging 22 taong gulang na siya may dalawang taon mula ngayon.

“It is true that I chose Japanese nationality,” ang pahayag ni Saso sa artikulo ng Japanese news website sa bisperas ng Toto Japan Classic.

“I was wondering if I would choose Japanese nationality in the future. Twenty one years old, I knew that there was a Japanese rule that I had to choose a nationality,” ang dagdag niya.

Tinutukoy ni  Saso ang Japanese nationality law kung saan ang mga indibidwal na may dual citizenship ay kailangang pumili ng kanilang nationality kapag naging edad 22 na sila.

“I thought I wouldn’t decide whether or not I could participate in the Olympics,” ang sinabi ni Saso.

“I have in my heart that I am both Japanese and Filipino no matter which one I choose,” ang dagdag niya.

Ipinanganak ang Filipina-Japanese golfer sa Hapones na ama at Filipinong ina. Kinatawan ni Saso ang Pilipinas mula pa nang- magsimula siyang makipagkompetensya sa ibang bansa bilang jungolfer at isang amateur. Kabilang dito ang Asian Games sa Jakarta noong 2018 at kamakailan lamang ay ang naganap na Tokyo Olympics.

Habang nakikipaglaban, nangako si Saso ang ipakita ang pagiging pasensyoso ng mga Hapones at matapang ng mga Filipino.

Sa kasalukuyan, ang US Open champion ay magpapatuloy na maging kinatawan ng Pilipinas habang nakikilahok sa Toto Classic na may gantimpalang $2 million. Ito ang kanyang unang LPGA ng Japan Tour event mula nang magtapos siya sa ika-siyam na puwesto sa Bridgestone Open noong Mayo.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show