GABBI GARCIA, TALKS ABOUT FRIENDSHIP WITH KAPAMILYA STARS

“Our friendship is built on respect.”

Ganito inilarawan ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia ang barkadahan na nabuo sa pagitan niya at ng ilang Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Pat Sugui, Marco Gumabao, Sofia Andres, at Ria Atayde na kung tawagin nila ay Nguya Squad.

PHOTO/S: YOUTUBE (KATHRYN BERNARDO)

Ayon sa kanya, ang kanilang pagkakaibigan ay nagsisilbi nilang pahinga. Kapag nagkakasama sila, iniiwasan nilang pag-usapan ang anumang bagay na mayroong kinalaman sa kanilang trabaho.

Bagamat magkakaiba ng istasyon na pinanggalingan, hindi raw ito naging hadlang sa kanilang pagkakaibigan.

“We usually don’t really talk about work whenever we are all together.

“It’s like a break from work, actually,” kuwento ng aktres.

Iniingatan daw nila ang kanilang samahan kaya naman pinaglalaanan talaga nila ito ng oras. Bagamat minsan hindi nagtutugma ang kanilang mga schedule, ginagawan nila ng paraan upang magkita-kita.

Aniya pa, “It’s more of a friendship than us being actors and actresses, or personalities.

“It’s more really, like, a friendship.”

Kagaya rin ng samahan ng iba, minsan ay mayroon din daw silang hindi pagkakaunawaan. Pero ang maganda sa kanila, inaayos nila ito agad at hindi sila nagkakampihan.

Nguya Squad reunite at the Black Magic 2019! | Star Cinemaa
Photo Source: Star Cinema

Saad pa ni Gabbi Garcia, “Our friendship is built on respect. We respect each other and we are all adults in the friendship.

“So, we know our boundaries. We know how to respect each other.

“Kung may tampuhan man, we try to settle it right away,” dugtong pa nito.

Minsanan at limitado lamang ang kanilang pagkikita pero sinisigurado raw nila na lagi silang updated sa buhay ng isa’t-isa at hindi nawawala ang kanilang komunikasyon.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show