GABBI GARCIA, BALAK I-PURSUE ANG PAGSALI SA MGA BEAUTY PAGEANT?

“I’m just waiting for the right time.”

Ito ang naging sagot ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia sa tanong kung balak ba niyang sumali sa mga beauty pageants.

Isa ang pangalan ni Gabbi sa hindi mawawala sa listahan ng mga artista na kinukumbinsi ng publiko na sumali sa mga beauty pageant, kagaya na lamang ng Miss Universe Philippines.

Gabbi Garcia: All I Need
Photo Source: Calyxta

Marami ang nagsasabi na malakas ang laban ng aktres kung sasali ito dahil sa kanyang taglay na katalinuhan at sa kanyang morena beauty. Malaki raw ang tyansa na maiuwi ni Gabbi ang titulo at korona.

Hindi rin naman itinatanggi ng aktres na isa ito sa kanyang mga pangarap pero sa ngayon daw ay masyado pa siyang maraming ginagawa.

Ayaw raw niyang sumabak sa patimpalak nang may ibang bagay na pinagkakaabalahan. Sa dami ng kanyang trabaho, hindi pa siya maaaring mag-commit sa pageantry world.

Paliwanag niya, “Once you entered the pageant world, kailangan no hesitations. Kailangan buo ang loob mo, 200 percent gigil ka talaga to get the crown and to win.

“As of now, there’s so much on my plate. I have GMA with me, tapos ang dami kong inaasikaso sa social media plus brand endorsements.

“Kumbaga, hati pa yung oras ko, so I still can’t commit my full time to the pageantry world.”

Bata pa naman daw siya at marami pang pwedeng mangyari. Hindi niya raw isinasara ang kanyang pintuan dito, naniniwala siyang may tamang panahon para sa kanyang pagsali.

See this Instagram photo by @_gabbigarcia • 20.5k likes | Gabbi garcia,  Filipina beauty, Gabbi garcia instagram
Photo Source: Pinterest

Ani Gabbi Garcia, “And I’m not rushing ‘coz I’m still young, I’m just 22.

“When the time comes, talagang proud na proud kong sasabihin na eto na talaga yun.

“Ayoko rin na sasali ako tapos hindi pa ako fully equipped. Parang sasabak ka sa giyera na wala ka naman bala.

“But the desire is there, the dream is there. Buong-buo siya.

“I’m just waiting for the right time,” dugtong pa ng dalaga.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show