FIL-AM NURSE, NASAWI MATAPOS ATAKIHIN SA NY

Isang Filipino-American medical frontliner mula sa New Jersey, USA ang namatay matapos atakihin ng isang tumatakas na magnanakaw sa New York (NY) noong Biyernes (October 8).

Ayon sa ulat ng New York Post, naglalakad si Maria Ambrocio, edad 58, sa Times Square bandang 1 p.m. nang isang lalaki ang biglang bumangga sa kanya at naging dahilan para mabagok ang kanyang ulo.

Si Ambrosio ay isang oncology nurse sa Bayonne Medical Center. Ayon sa ulat, tumatakbo ang salarin matapos mag-snatch ng mobile phone sa isa pang biktima. Dito niya nakasalubong at binangga si Ambrosio na katatapos lang magtanghalian kasama ang isang kaibigan.

“Her friend told me to hurry up because her blood pressure is dropping and she is brain dead. She doesn’t have much time, so I have to hurry,” ang sinabi ni Carlito Spa Maria. Siya ang nakababatang kapatid ni Ambrosio

Dinala ang biktima sa ospital kung saan nakipaglaban siya para sa kanyang buhay. Sa kasamaang palad, pumanaw siya matapos ang mahigit na 24 oras.

“Maria’s passing was announced shortly after she was removed from life support a few hours ago. She had been on life support for the head trauma she sustained on Friday afternoon,” ang pahayag ng Philippine Consulate General sa NY.

“We reiterate these calls as we mourn our loss but we also ask ourselves: How many more Maria Ambrocios do we have to mourn before the streets would be made safe again?” Ang dagdag ng consulate.

Nanawagan din si Consul General Elmer Cato sa awtoridad na gawin ang nararapat para maging ligtas ang mga kalye.

“We grieve with the family of our kababayan Maria Ambrocio, a health frontliner, who died from her injuries after she was knocked down by a homeless man near @PHinNewYork on Friday. We call on authorities to do what is necessary to make the streets safer,” ang post ni Cato sa Twitter.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show