FACEBOOK, PINALITAN NA NG ‘META’ ANG KANILANG PARENT COMPANY NAME

Ang social media giant na Facebook ay binago na ang pangalan ng kanilang parent company bilang “Meta” noong Huwebes (October 28). Ito ay bahagi ng pagsulong ng kompanya patungo sa isang virtual reality vision sa hinaharap.

Ambisyon ng Facebook na isulong ang tinatawag na “metaverse.” Ito ang lugar kung saan pinapalabo niya ang pagkakaiba ng physical world at digital space. Gayunpaman, ang Facebook, Instagram, at WhatsApp na ginagamit ng bilyon-bilyong tao sa buong mundo ay mananatili ang kanilang pangalan.

“We’ve learned a lot from struggling with social issues and living under closed platforms, and now it is time to take everything that we’ve learned and help build the next chapter,” ang pahayag ni CEO Mark Zuckerberg sa taunang developers conference.

“I am proud to announce that starting today, our company is now Meta. Our mission remains the same, still about bringing people together, our apps and their brands, they’re not changing,” ang dagdag niya.

Ang pagpapalit ng pangalan ay naganap sa gitna ng matinding kontrobersyang kinakaharap ng kompanya. Ayon sa aktibistang grupo na tinatawag na “The Real Facebook Oversight Board”, nakakapinsala ang Facebook sa demokrasya habang nagkakalat ng maling impormasyon at pagkamuhi sa ibang tao.

“Their meaningless name change should not distract from the investigation, regulation and real, independent oversight needed to hold Facebook accountable,” ang sinabi ng grupo

Ang social media giant ay kasalukuyang humaharap sa seryosong alegasyon kung saan ang dating empleyadong si Frances Haugen ay naglabas ng mga dokumentong nagpapakita umano na alam ng mga executives ng kompanya ang pinsalang maaaring idulot ng Facebook.

Ang mga nasabing dokumento ay ginagamit ng mga US news outlets para maglabas ng mga artikulong laban sa kompanya. Ayon naman sa Facebook, naglabas sila noong Martes (October 26) sa kanilang mga empleyado ng mga “instructions” para mapreserba ang mga dokumento para sa isinasagawang pagsusuri ng mga awtoridad. 

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show