FACEBOOK PAGE NI CASSY LEGASPI NA MAY 7M FOLLOWERS, NA-HACK

“Stay safe and beware of online hackers.”

Ito ang mensahe ng Kapuso star na si Cassy Legaspi sa publiko matapos niyang ianunsiyo na na-hack ang kanyang Facebook page na mayroong higit 7 million follwers.

November 22 ng gabi nang magbabala ang dalaga sa kanyang Twitter account na huwag nang pansinin ang nasabing page at ang mga ipinopost nito dahil ibang tao na nag may hawak nito.

Cassy Legaspi more inspired to create content after gaining 5 million  Facebook followers | GMA Entertainment
Photo Source: GMA Network

Babala niya, “hi guys, Just wanted to warn you all that my Official Facebook page has been hacked. (Cassy Legaspi with a verified check).

“Please do not engage with any of their messages, that isn’t me responding and posting. My managers will be handling this. Stay safe everyone.”

Kung anu-ano na raw ang nai-post nito sa kanyang Facebook page kaya sana ay dedmahin nalang ng publiko dahil hindi siya ito.

“So…dedmahin nalang natin yung Facebook page ko ngayon. Kung ano ano pinopost niya haha,” dagdag ng anak nina Carmina at Zoren Legaspi.

Maging sa kanyang Instagram account ay ikinalat niya rin ang balitang ito. Payo raw ito sa kanya ng kanyang management kaya naman sinunod niya.

Pika's Pick: Cassy Legaspi announces her Facebook account has been hacked;  says, “any posts or messages coming from that page, that is NOT me.” |  Pikapika | Philippine Showbiz News | Entertainment
Photo Source: Pikapika.ph

Ani Cassy Legaspi, “wanted to come on here and formally announce (as recommended by my management) that my official Facebook page HAS BEEN HACKED.

“if you see any posts or messages coming from that page, that is NOT me. To my yellow hearts and other people that have been in contact with the hacker, do not engage further.

“Stay safe and beware of online hackers.”

Samantalang marami naman ang nanghinayang sa Facebook page ng dalaga dahil hindi madaling makakuha ng million na followers sa social media.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show