FACE SHIELDS, HINDI NA REQUIRED SA LABAS MALIBAN SA 3CS

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerkules (September 22) ang pagluluwag sa pagsuot ng face shields sa bansa. Hindi na ito kailangang isuot sa labas maliban sa 3Cs – close, crowded, close-contact.

“No more face shields outside… Ang face shield, gamitin mo lang sa 3Cs: closed facility, hospital, basta magkadikit-dikit, crowded room, tapos close-contact. So diyan, applicable pa rin ang face shield,” ang pahayag ng Presidente.

“Other than that, I have ordered kung ganoon lang naman, sabi ko then I will order that we accept the recommendation nitong executive department,” ang dagdag niya.

Inutos din ni Duterte na kaagad ipatupad ang bagong patakaran. Dati ng nagluwag ang pamahalaan sa pagsusuot ng face shield ngunit binawi ulit ito kalaunan.

Nauna na ring magsabi si Presidential spokesperson Harry Roque na ang pagsusuot ng face shield ay mananatili hangga’t hindi sinasabi ng World Health Organization (WHO) na hindi ito kailangan.

Matatandaan na ang pagsusuot ng face shield ay isang mainit na paksa sa debate. Ito ay dahil kaunti lang ang mga bansa na gumagamit nito at dahil na rin sa karagdagang gastos para sa mga Filipino.

Ilang eksperto ang nag-aalinlangan sa pagiging epektibo ng face shield para protektahan ang nagsusuot nito laban sa coronavirus. Ito ay sa kabila ng paggiit ng advisory panel ng pamahalaan na nagbibigay ang face shield ng karagdagang proteksyon lalo na sa mas nakakahawang Delta variant.

Isang bagong pag-aaral ng Lancet ang isinagawa ng nangugununang international medical journal. Napag-alaman sa pag-aaral na ang pagsusuot ng face mask ay napipigil ang pagkahawa sa COVID-19 ng 78%.

Ipinapakita rin ng pag-aaral na ang pagsusuot ng face shield bukod sa face mask ay napipigil ang pagkahawa ng 85%

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show