EX-MOMOLAND MEMBER DAISY, PANALO SA KASO LABAN SA MLD ENTERTAINMENT

Ang dating MOMOLAND member na si Daisy ay nagwagi sa kaso laban sa kanyang ahensya na MLD Entertainment.

Ang Seoul Central District Court ay nagbaba ng hatol na pabor kay Daisy at inutusan ang MLD na magbayad sa K-pop idol ng 79.26 million won (USD 66,330).

Ang kaso ay nagmula sa isang audition program na “Finding MOMOLAND,” na umere sa Mnet noong Hulyo 2016 para piliin ang mga magiging miyembro ng MOMOLAND.

Hindi napili si Daisy sa mismong programa pero kalaunan ay kinuha rin ng MLD. Pumirma siya ng kontrata sa ahensya noong Setyembre 2016 at naging bagong miyembro ng grupo.

Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataong bawasan ng MLD ang kita ni Daisy ng may 66 million won (USD 55,251). It ay katumbas ng 10 porsyento ng 660 million won (USD 552,510) production cost ng “Finding MOMOLAND.”

Gayunpaman, nagprotesta si Daisy tungkol dito. Ayon sa kanya, hindi makatarungang ibinawas sa kita niya ang production cost na nagastos noong Abril 2016. Ito ay dahil pumirma siya ng kontrata sa MLD noong Setyembre 2016, may limang buwan pagkatapos ng audition program.

Dahil doon, idinemanda ni Daisy ang MLD para maibalik sa kanya ang nabawas na kita.

“Unless otherwise specified, the contract takes effect from the date the contract is signed. The meaning of the phrase ‘pre-debut’ in the contract also begins on the date of signing the exclusive contract. There’s no clear evidence that this is a practice in the entertainment industry,” ang desisyon ng korte.

Inutusan din ng korte ang MLD na bayaran si Daisy ng karagdagang 13 million won (USD 10,885).

Samantala, naghain ng apela ang MLD para mapawalang bisa ang hatol ng korte.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show