ESTATWA NG HIGANTENG PATATAS, VIRAL DAHIL SA PHALLUS SHAPE NITO!

Isang komunidad sa Cyprus ang nagbigay parangal sa kanilang produktong patatas sa pamamagitan ng pagpapatayo ng 5 meter (16 ft) na estatwa nito. Mabilis namang naging viral ito sa social media dahil sa tila phallus shape nito.

Ang fiberglass replica ay nagkakahalaga ng 8,000 euros ($9,300) at makikita sa main road at bungad ng bayan ng Xylophagou.

“Other countries have instantly recognisable monuments, now we have ours,” ang sinulat ni Euripides Evriviades sa Twitter.  Siya ay dating Cyprus ambassador sa United Kingdom (UK).

Makikita sa collage ng mga larawan na kasama ng estatwang patatas ang Eiffel Tower, Statue of Liberty at Hong Kong Big Buddha.

SOURCE: @eevriviades twitter

Iginiit naman ng mga residente ng Xylophagu na ang kulay beige na estatwa na tinawag nilang “The Big Potato” ay isang tamang kopya ng kanilang produkto na “Spunta.”

Sinabi rin ng community leader na si George Tasou na sino man ang nag-aakala na higit pa ang estatwa sa isang patatas ay sadyang may maduming pag-iisip.

“That is, I think, talk of a mind possessed,” ang sinabi ni Tasou.

“Whether we like it or not this potato, the Spunta, is thin and long,” ang dagdag niya.

Ang patatas ay pangunahing produkto ng Cyprus na kilala dahil sa mataba nitong lupa. Sa susunod na taon, nagpaplano ang Xylophagou ng isa na namang novelty para sa paborito nilang produkto. Magpiprito sila ng 800 kgs ng patatas sa isang chip festival.

Ayon pa kay Tasou, hindi pa tapos ang ginawang estatwa sa higanteng patatas. Ipapatong ito sa isang lokal na bato na may bangko, parke, at maliit na tindahan. Magkakahalaga ang proyekto ng kabuuang 15,000 euros.

“It will be a landmark,” ang sinabi ni Tasou habang sa likod niya ay nagse-selfie ang mga bisita kasama ang estatwang patatas.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show