EPY QUIZON, TINANGGIHAN ANG 30 MILLION OFFER NG ISANG POLITICAL CANDIDATE PARA SA KANYANG KANTA

Tahasang inamin ng aktor at komedyanteng si Epy Quizon na inalok siya ng isang political candidate ng 30 million kapalit ng kanyang katang “Lukso Ng Dugo” na isinulat para sa Magkaisa PH.

Para sa mga hindi nakakaala, ang Magkaisa PH ay isang kilusan na kanyang itinatag kasama ng kanyang mga kaibigan na layuning itaguyod ang kapayapaan ng ating bansa.

Photo Source: Pep.ph

Ayon kay Epy, sa kabila raw ng kanyang mga problema noon, lalo na financially, nagawa niyang tanggihan ang nasabing offer. Hindi raw siya pumayag na bilhin ang kanyang awit na isinulat para sa mga Pilipino.

Kwento ng aktor, “I was offered PHP30 million. I will not name who, but I was offered PH30 million and I could have paid everyone, the artists and all that.

“No, I refused. Wala akong pera noon sa bangko. Wala akong trabaho noon.

“In-offer ako PHP30 million, tapos lahat ng problema natin.”

Bagamat malaki rin ang pangangailan noon, hindi raw niya hinayaan ang kanyang sarili na mabulag sa pera kapalit ng kanyang prinsipyo at respeto sa sarili.

Epy Quizon Puzzled Why Students Don't Know Apolinario Mabini | Awareness,  History class, Teaching
Photo Source: Pinterest

“Actually, napaisip ako. Nabulag ako ng mga two minutes,” lahad ni Epy Quizon.

Dugtong pa niya, “Sabi niya, ‘Ngayon mismo, ibigay mo sa akin ang kantang ‘yan, bibigyan kita ng tseke.’

“Ang sagot ko, ‘I can make you another one but not this song. This song is not owned by me anymore, this song is owned by all the artists who are part of it.'”

Hindi naman daw kasi siya ang may-ari ng kantang iyon. Bagamat siya ang nagsulat, pag-aari raw iyon ng lahat ng Pilipino.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show