ENCHANTED KINGDOM, MULING MAGBUBUKAS SA NOBYEMBRE 6!

Inanunsyo ng Enchanted Kingdom sa Facebook na muli itong magbubukas sa publiko simula Nobyembre 6 alinsunod sa umiiral na health and safety protocols. Ang theme park ay matatagpuan sa Sta. Rosa, Laguna.

“Visiting guests must be between the ages of 18-65* and have no underlying conditions (e.g. immunodeficiency, comorbidity, or other health risks and pregnant women) in accordance with our current operational guidelines set by the IATF,” ang pahayag ng amusement park sa kanilang website.

Pinagbuti ng Enchanted Kingdom ang kanilang health and safety protocols para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga bisita at mga cast members.

Binawasan din ng Enchanted Kingdom ang kanilang park capacity ng 50% ayon sa guidelines ng IATF. Kasama dito ang pagbabawas sa kapasidad ng rides at attractions, pagkain at merchandise outlets, restroom, at likod ng house facilities tulad ng administration offices.

Ang mga face masks at face shields ay kailangang isuot bago makapasok sa loob ng theme park. Ang physical distancing na may isang metro ang layo ay kailangan ding obserbahan.

Bago pumasok sa park, nangangailangang kuhanan ng body temperature ang mga bisita at mag-fill out ng health check form.

Sa kasalukuyan, ang sumusunod na impormasyon ay naglalaman ng kanilang operating schedule.

Nobyembre 6 hanggang Disyembre 12

Lunes hanggang Biyernes: Sarado

Sabado at Linggo: 11:00 a.m. hanggang 7:00 p.m.

Disymebre 13 hanngang Enero 2, 2021

Araw-araw: 11:00 a.m. hanggang 7:00 p.m.

Enero 3, 2022 hanggang Marso 27, 2022

Lunes hanggang Biyernes: Sarado

Sabado at Linggo: 11:00 a.m. hanggang 7:00 p.m.

PInapaalalahanan din ng Enchanted Kingdom ang publiko na magdala ng photo ID na may birth date dahil kakailanganin ito para sa validation.

Dinagdag din ng theme park na ang mga hindi pa bakunado ay maaari lamang makapasok sa outdoor facilities ng park. Ang mga nagnanais makapunta sa indoor establishments ay kailangang magpakita ng vaccination card.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tignan ang website ng Enchanted Kingdom.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show