EJAY FALCON, TATAKBONG VICE GOVERNOR NG ORIENTAL MINDORO

Pormal nang inanunsiyo ng aktor na si Ejay Falcon na papasok na niya sa larangan ng pulitika ngayong darating na local and national election.

Oriental Mindoro Gov. Dolor touts actor Ejay Falcon | Politiko Bicol Region
Photo Source: Politico Bicol Source

Ayon sa kanya, tatakbo siya bilang vice-governor sa lalawigan ng Oriental Mindoro. Nais daw ng aktor magserbisyo sa publiko lalo na sa kanyang mga kababayan kaya naman nagdesisyon na kumandidato sa darating na eleksyon sa 2022.

Paliwanag niya, “Ako po ay tinawag ng kabutihan at ang kabutihan na yon ay ang maglingkod sa ating bayan, at hindi mo matatanggihan na yon. Ako po ay papasok sa larangan ng pulitika at pagiging public servant.”

Sana raw ay suportahan siya ng mga ito kagaya noong pagsuporta sa kanya nang sumali sa PBB at nang naging artista.

Matatandaan na tinanghal na big winner ang aktor ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus taong 2008.

Saad ni Ejay, “Sana ay suportahan niyo rin ako sa ganitong klase ng larangan. Sinuportahan nila ako bilang isang aktor at PBB winner. Sana po ay suportahan din nila ako,.”

Bukod doon, kinuha rin ni Ejay ang pagkakataon na iyon para ipagtanggol ang mga artistang minamaliit ng publiko. Huwag daw sanang pagdudahan at gawing katatwanan ang kanilang kakayahan na magserbisyo sa publiko.

WATCH: Ejay Falcon, umaming nakapang-“ghosting” na rin! | Pikapika |  Philippine Showbiz News | Entertainment News | Trending Balita | Celebrity  Lifestyle | Artista | Fashion | Beauty Tips | Chika | Philippine Hollywood  Stars Celebrities
Photo Source: Pika-pika.ph

Mahirap din naman daw ang kanilang trabaho bilang mga artista kaya sana ay huwag pagdudahan ang kanilang qualification bilang kandidato.

Depensa ni Ejay Falcon, “Unang-una, huwag nilang ‘nila-lang’ ang pag-aartista dahil napakahirap po ang pag-aartista. Dugo’t pawis din po ang ibinigay namin diyan.”

Isa lamang si Ejay sa mga artistang nagpahayag ng kanilang interes na pasukin ang pulitika. Nauna nang magpahayag sina Claudine Barretto, Nash Aguas, Aiko Melendez, at Arjo Atayde.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show