DUTERTE, NAGBANTA NA ITITIGIL ANG MGA GOVERNMENT TRANSACTIONS SA RED CROSS

Nagbabala si Presidente Rodrigo Duterte na ihihinto ang lahat ng transaksyon ng pamahalaan sa Philippine Red Cross (PRC). Ito ay sa gitna ng imbestigasyong isinasagawa ng Senado sa pumumuno ni Senador Richard Gordon tungkol sa sobrang mahal ng pagbili umano sa mga medical supplies para labanan ang pandemya.

Sa isang taped briefing noong Sabado (September 11), tinuligsa ng Pangulo sina Gordon at Senate Minority Leader Franklin Drilion sa kanilang partisipasyon sa nagaganap na imbestigasyon.

“Ito naman si Gordon, malalim itong away namin. Talagang mag-away kami ng buang na ‘to,” ang pahayag ni Duterte.

Iginiit rin ng Pangulo na dapat suriin ng Commission on Audit (COA) ang pondo na ibinigay ng pamahalaan sa PRC.

“In the coming days, I will write you a letter to open up your records because… I will also request [COA chairman] Michael Aguinaldo, and I’m sure he know his business that there is money in Red Cross belonging to the government which he should look into,” ang sinabi ni Duterte.

“Ngayon kung ayaw mo, mapipilitan akong to totally disassociate with you. I will stop the national government from having transactions with you in any manner. Wala akong pakialam. ‘Di ako nagbigay ng pera sa’yo and as far as I’m concerned, Red Cross does not exist. You can create a controversy there or a crisis. I do not mind because I said I’m on the right track. Either you submit the auditing procedure or we quarrel,” ang dagdag niya.

Ayon sa Presidente, ang PRC ay required na magsumite ng taunang report sa Pangulo pero hanggang sa ngayon, wala siyang natatanggap kahit isa.

“Wala akong natanggap. Anim na taon na ako, Senator Gordon. Nasaan na ang report?” ang tanong ni Duterte.

Hindi rin daw masasabi ng PRC na mayroon silang lubos na kalayaan dahil tumatanggap sila ng tulong pinansyal mula sa gobyerno.

Tinukoy ng Pangulo ang mga pondo mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na inulat ng PRC na natanggap nito.

Samantala, nauna ng sinabi ni Aguinaldo na walang hurisdiksyon ang COA sa PRC.

Sinabi rin ng PRC governors noong nakaraang linggo na hindi sila tumatanggap ng appropriations mula sa pamahalaan at nakakatanggap lamang ng donasyon mula sa pribadong indibidwal, korporasyon, at mga partner na international Red Cross at Red Crescent societies.

Ayon pa sa PRC, ang mga pondong ginagamit nila ay hindi saklaw ng liquidation ng COA.

Kinontra naman ni Pangulong Duterte ang opinyon ni Aguinaldo tungkol sa pag-audit ng COA sa PRC.

“If he refuses, that would be a dereliction of duty. Then I said this will involve a long legal battle but I’m prepared to go into it and demand really the accountability of Senator Gordon and all of them in the Red Cross to account for the money that was given by the government of the Philippines for the longest time,” ang sinabi ni Duterte.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show