DUTCH SCIENTIST, NADISKUBRE ANG LUMANG RECORDING NG NAGSASALITANG PATO

Isang Dutch scientist ang nadiskubre ang lumang recordings ng isang musk duck. Ginaya nito ang katagang “You bloody fool!” Ito ang natutuhan ng ibon ng alagaan siya ng mga tao sa isang Australian bird park.

Ang Leiden University scientist na si Carel Ten Cate ay sinabing ang interesante sa vocal expression ng pato na pinangalanang “Ripper” ay hindi masyado sa nasabi nito kundi sa kakayanan nitong manggaya sa salita ng tao.

“It’s definitely based on the human voice, even though the pronunciation is a bit odd – which might be the Australian accent, I don’t know,” ang pahayag ni Ten Cate.

Inilathala niya ang kanyang natuklasan sa “Philosophical Transactions of the Royal Society biological research journal” ng Netherlands.

SOURCE: @newscientist twitter

Inakala noong una ni Ten Cate na peke ang recordings na ginawa pa noong 1980s.  Gayunpaman, ito ay ginawa ni living ornithologist Peter Fullagar na kasama niyang naglathala ng natuklasan. Ang recordings ay matagal ng nakatago sa sound archive ng mapakinggan ito ni Ten Cate. Noong panahon na iyon, nasa kalagitnaan siya ng research tungkol sa vocal learning ng mga ibon.

Isiniwalat din ng siyentipiko na marami pang tunog ang kayang gawin ni Ripper. Kaya nitong gayahin ang tunog ng ngsasarang pinto at nagcli-clik na tarangka.

Ang ibang species ng hayop lalo na ang mga ibong tulad ng parrots at songbirds ay kayang gayahin ang salita ng tao. Bagama’t ito ay bihira, mas madalas itong nangyayari sa mga hayop na inaalagaan ng mga tao.

“To find a species quite outside these groups…in a duck, that’s quite extraordinary. So it’s an independent evolutionary occurrence of the ability for vocal learning – that’s very special,” ang sinab in Ten Cate.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show