DOLOMITE BEACH, DINAGSA NG PUBLIKO SA MULI NITONG PAGBUBUKAS!

Dinagsa ng publiko ang Manila Bay Dolomite Beach mula nang magbukas ulit noong Sabado (October 16) bunga ng pagluluwag ng Alert Level sa Metro Manila o National Capital Region (NCR).

Ikinatuwa naman ito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“We are overwhelmed by the outpouring of support from the public which made the reopening of the Manila Bay Dolomite Beach truly successful,” ang pahayag ni DENR Secretary Roy A. Cimatu.

Dinumog ng publiko ang Roxas Boulevard para mamasyal at kumuha ng selfies sa dolomite beach. Tiniyak naman ng personnel at security marshals na sinusunod ng mga tao ang health at safety protocols.

SOURCE: @PhilstarNews twitter

Ang dolomite beach ay unang binuksan sa publiko noong Hulyo 18 hanggang 21. Ang 140-meter beach area ay Phase 1 ng Manila Bay Beach Nourishment Project ng DENR.

Ang muling pagbubukas ng beach ay kolektibong desisyon ng Manila Bay Inter-Agency Task Force na pinamumunuan ni Cimatu. Ito ay matapos isailalim ng pamahalaan sa Alert Level 3 ang Metro Manila.

Bukod sa pagbibigay ng positibong mental health, sinabi ni Climato na ang dolomite beach ay alternatibong paraan para makita ang nakakabighaning takip-silim ng Manila Bay.

“We will gradually expand the area accessible to the public for viewing in the coming weeks as we progress on with the completion of the project,” ang pahayag ng DENR secretary.

SOURCE: @PhilstarNews twitter

Ayon pa kay Cimatu, maaaring tumambay ang publiko sa dolomite beach hanggang kailan nila gusto habang limitado sa 300 indibidwal ang puwedeng pumasok. Magbubukas at magsasarado ang beach mula 8 a.m. hanggang 11 a.m. at mula 2 p.m. hanggang 6 p.m.

Hindi rin kailangang bakunado ang mga bibisita sa beach pero ang pagsusuot ng face mask ay mandatory. Samantala, ang pagsusuot ng face shield ay optional.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show