DEXTER DORIA, HANDA RAW TUMESTIGO SA TOTOONG NANGYARI NOONG MARTIAL LAW

Isa ang beteranang aktres na si Dexter Doria sa mga napiling gumanap bilang madreng “tibak” (aktibista) sa musical film na Katips. Layunin ng nasabing pelikula ay maipakita sa millennials at GenZ ang mga kaganapan noong umiiral ang batas militar sa bansa sa ilalim ng pamahalaan ni dating pangulong Ferdinand Marcos.

Gabby Eigenmann | Mranola's Blog
Photo Source: Marnola’s Blog

Sa naganap na mediacon noong Nobyembre 27 ng nasabing pelikula, sinabi ng aktres na handa siyang tumestigo kung ano talaga ang sitwasyon noong panahon ng martial law.

Ayon sa kanya, buhay na siya noong mga panahon na iyon kaya naman isa siya sa mga may karapatan na magsalita at magbahagi ng kanilang karanasan ikol dito.

Pagbabahagi niya, “Noong panahong nangyari ito, millennial ako. Sa palagay ko, sa buong grupong ito, andami… ako lang ang may karapatan na magbigay ng opinyon na tunay dahil ako ang nabuhay at adult na ako noong panahong iyon.”

Ayon sa kanya, bagamat hindi siya o kahit sino sa kanyang pamilya ang nakaranas ng mga pagmamalupit noong panahon ng martial law, kaisa siya sa mga taong nakibaka upang mapababa sa pwesto si Pangulong Marcos.

Kwento ni Dexter Doria, “At ang masasabi ko, totoo lahat ng napanood niyo dito. At handa akong pumunta sa kahit anong lugar sa buong Pilipinas, o sa buong mundo, at patotohanan ko because I was there.

“At hindi ako isang luka-lukang babae na bobo, na tanga. I was there and I was a witness to what happened during martial law.

“Wala akong kamag-anak na tinortyur. Wala akong kamag-anak na pinatay, o kaibigan.

“But I was part of the First Quarter Storm. I was a student of UP. And andun kami, ‘Makibaka! Huwag matakot!’ — itong mga edad na ‘to.”

How Martial Law Impacted the Economy
Photo Source: Esquire Philippines

Isa raw siya sa mga taong biktima ng mga batas na ipinatupad noon. Nawala raw ang kalayaan ng lahat ng tao noon kaya naman mali ang sinasabi ng ilan na walang mali noong panahon ng martial law.

Aniya pa, “I was there and I saw everything. And when the Apo declared martial law, up to 1986, I WAS KINDA ALIVE!

“I was kinda there. I was kinda victim of all these curfews, and there was no… kayo, mga writers kayo, noon wala kayo! You cannot write anything!

“No, you cannot! They controlled the press, so nobody knew what was happening. Imagine a world where there was no information. Imagine a world where there was no election.”

Noon daw ang choice lang nila ay sumunod nang sumunod sa kung anuman ang mga batas na ipinapatupad at kung ano ang ipinag-uutos.

Kaya naman nang magkaroon ng EDSA revolution noon, hindi siya nagdalawang isip na maki-isa kahit pa nakataya rito ang kanyang buhay.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show