DEADPOOL, NAGHAIN NG KANDIDATURA PARA SA PAGKA-SENADOR!

Sa huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec), hindi inaasahan ang pagdating ng isang sikat na Marvel superhero sa Sofitel Tent sa Pasay City noong Biyernes (October 8).

Naghain ang isang lalaking nakasuot ng “Deadpool” na maskara ng kandidatura sa pagka-senador. Sa Twitter account ng Comelec, kinilala ang aspirant bilang si Julian “Ded Pul” Navarra. Tatakbo siya bilang independent na kandidato.

Suot ni “Ded Pul” ang pulang polo shit at itim na coat, at maskara ng Marvel superhero na si “Deadpool.”

Si Deadpool ay isang comic book character ng Marvel Comics. Una siyang ipinakilala bilang supervillain. Kalaunan, nagbago ang kanyang personalidad at naging anti-heroic persona.

Ang totoong pangalan ni “Deadpool” ay si Wade Winston Wilson. Isa siyang mercenary na may superhuman ability para mabilis gumaling ang kanyang sugat o pinsala sa katawan. Nagtataglay din siya ng above-normal na pisikal na lakas.

Samantala, sumiklab ang galit ni Comelec chairman Sheriff Abas sa mga empleyado nila na hindi sumunod umano sa kanyang mga instructions. Ito ay ang pagsasagawa dapat ng virtual press conference sa halip na in-person briefing sa huling araw ng pag-file ng kandidatura para sa Eleksyon 2022.

Nahuli ang pahayag ni Abas sa livestreaming feed ng Comelec sa parehong araw.

“Kung hindi virtual, hindi magpe-presscon. Tayong dalawa, James. Virtual tayong lahat,” ang sinabi ni Abas.

“Yes, sir,” ang tugon ni Comelec spokesperson at Director James Jimenez. Siya rin ang puno ng Education and Information Department (EID) ng komisyon.

“Naiinis ako sa inyo, EID. Sabi ko virtual, bakit mas nakikinig pa kayo sa iba? G*g* kayo ah. Bakit hindi ninyo sinusunod ang instruction na virtual,” ang sagot ni Abas.

“Takot kayo kay Guanzon pero di kayo takot sa akin?” Ang dagdag niya.

Si Rowena Guanzon ay isa sa mga poll commissioners.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show