DATING PULIS NA SI JONEL NUEZCA, PUMANAW SA NEW BILIBID!

Ang tinanggal na Police Senior Master Sergeant na si Jonel Nuezca ay namatay sa New Bilibid Prison Hospital. Ito ang kinumpirma ni New Bilibid Prison Hospital, Bureau of Corrections (BuCor) spokesman Gabriel Chaclag noong Miyerkules (December 1).

“This is to confirm the reported death of PDL Joel M Nuezca,” ang pahayag ni Chaclag sa kanyang text message sa GMA News.

Si Nuezca ang pulis na pumaslang sa dalawa niyang kapitbahay sa Tarlac noong Disyembre 2020. Nakunan ng video ang krimen at mabilis itong naging viral sa social media at kinonenda ng publiko.

Ayon kay Chaclag, si Nuezca ay idineklarang patay na bandang 6:44 p.m. noong Martes (Novembre 30).

Batay pa rin sa BuCor official, si Nuezca ay walang malay na dinala sa NBP hospital ng mga kasamang preso. Ito ay matapos niyang makaramdam ng panghihilo.

“He was brought unconscious to the NBP Hospital by his cell mates at 6:30 PM yesterday (Nov 30,2021) while walking outside the dormitory purposely to go to the hospital after complaining of dizziness. But while walking, he collapsed,” ang sinulat ni Chaclag.

Kasalukuyan pang inaaalam ang sanhi ng pagkamatay ni Nuezca.

“Investigation [is] ongoing to determine if there is foul play in the incident,” ang dagdag ng BuCor official.

Ang pagkamatay ni Nuezca ay nangyari matapos ang mahigit na tatlong buwan ng siya hinatulang guilty ng Tarlac court sa salang pagpaslang sa mag-inang sina Sonia at Frank Anthony Gregorio. Ito ay dahil sa pagtatalo sa isang pagsabog ng “boga” at “right of way.”

Ang Paniqui, Tarlac Regional Trial Court Branch 106 ay sinentensiyahn si Nuezca ng habang buhay na pagkakakulong o hanggang 40 taon sa kulungan sa bawat count ng murder. Pinagbabayad din si Nuezca ng damages na nagkakahalaga ng P952,560 sa pamilyang Gregorio.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show