CRISTINE REYES, IBINAHAGI ANG KANYANG CHILDHOOD WOUNDS

“You never should have been born.”

Hindi raw malilimutan ng aktres na si Cristine Reyes ang mga katagang ito dahil sa kanyang ina mismo ito nanggaling.

Cristine Reyes Looks Super Fresh With Her New Blonde Hair
Photo source: Preview.ph

Ilan lang daw sa mga masasakit na salitang ibinato sa kanya ng knayang biological mother mula noong siya ay anim na taong gulang.

Sa podcast ni Liza Florida na Eight Billion Project, ikinuwento ni Cristine ang kanyang masakit na karanasan noong siya ay bata pa.

Ayon sa kanya, anim na taon daw siya nang malaman niya na hindi siya tunay na anka ng mga kinalakihan niyang magulang. Isang araw daw ay bigla na lamang siyang kinuha ng totoo niyang ina sa mga kinilala niyang magulang.

Pagbabalik-tanaw ng aktres, “I still remember her driving. She said, ‘You have to forget about them. They’re not your family. I’m your mom.'”

Hindi niya raw ito agad natanggap pero kalaunan ay naisip niya na mabuti pa rin ang ina dahil kinuha at kinilala siya nito.

Pero kalaunan ay napagtanto niya raw na ibang-iba ang mundo na kinalakihan niya sa malaking bahay ng kanyang ina. Punong-puno raw ito ng galit at minsan siya napagbubuntungan.

Lahad niya, “I was very neglected at six years old. I remember whenever there’s a problem, I would constantly hear words, ‘You know, you should have died. You never should have been born.

“‘I tried so many times to abort you. You’re just something else. Your grip was there. You should have died.'”

π‚π‘πˆπ’π“πˆππ„ (@CristineReyesss) | Twitter
Photo Source: Twitter @cristinereyesss

Masakit daw para sa kanya na marinig ang mga bagay na iyon galing pa sa kanyang sariling ina. Dahil doon ay itinuring niya raw na “hell house” ang kanilang tirahan.

Ani Cristine Reyes, “I came from a very loving family, a happy environment. And then all of a sudden, my life changed.”

Kaya naman ganoon na lamang daw ang pasasalamat niya nang tumuntong siya sa edad na 21 at nakapagbukod.

Bagamat nakatakas siya sa kanilang bahay, hindi naman daw siya tinantanan ng mga alala niya roon at hanggang ngayon ay dala dala pa rin ang trauma.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show