CHIZ ESCUDERO DEFENDS TONI GONZAGA AMIDST BBM CONTROVERSIAL INTERVIEW

Isa ang Sorsogon Governor na si Chiz Escudero sa mga taong dumepensa kay Toni Gonzaga laban sa mga pambabatikos na natanggap nito kaugnay sa kanyang controversial interview kay Bongbong Marcos.

September 13, 2021 nang ilabas ang nasabing interview sa Toni Talks segment sa YouTube channel ng aktres at TV host.

I'm happy where I am': Escudero says no 2022 presidential race | Inquirer  News
Photo Source: Inquirer.net

Umani ito ng iba’t-ibang reaksyon mula sa publiko. May iilang nagalit at inakusahang “enabler” ang aktres. Mas maganda raw siguro kung in-interview rin ni Toni ang mga biktima ng martial law noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Maging ang kanyang malapit na kaibigang si Bianca Gonzalez ay naglabas din ng kanyang saloobin sa nasabing isyu. Ayon dito, pribado raw siyang nag-reach out kay Toni tungkol sa nasabing isyu.

Pero nananatili raw ang kanyang paniniwala na hindi bayani ang dating pangulong Marcos.

Ani Bianca, “Many of you have been tagging me. My stand has, ever since, been very public: #NeverForget and #NeverAgain. I might have even seen some of you at the rallies.”

Sa kabilang banda, nagpahayag naman si Chiz Escudero ng kanyang pagsuporta kay Toni at sinabing mayroon itong karapatan na interviewhin ang sino mang gustuhin niya.

Anito, “Toni Gonzaga has the freedom & right to interview whomsoever she may want to in her platforms.”

Bukod pa roon, ang mga manonood din namna daw ay mayroong karapatan na panoorin o hindi panoorin ang nasabing interview.

“Whether or not you agree with the interviewee or her is totally up to you because you too have the freedom & right to watch or not to watch or like/dislike…. #mychannelmyright,” dugtong nito.

Samantalang, sa kabila ng pambabatikos, nananatiling tahimik ang kampo ni Toni.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show