CHIE FILOMENO, UMAMING DATI NANG NAGPAPADALA NG MESSAGE SA KANYA SI KYLE ECHARRI

Samu’t saring reaksyon ang natanggap ng Kapamilya star at dating Girltrend member na si Chie Filomeno kaugnay sa naging samahan nila ng Kapamilya star na si Kyle Echarri sa loob ng Pinoy Big Brother house.

Meet Chie Filomeno | PBB | ABS-CBN Entertainment
Photo Source: ABS-CBN.com

Ilang linggo lamang na nagsama ang dalawa sa PBB ngunit nagkaroon ang mga ito ng fans at nagkaroon ng malaking following.

Bagamat marami ang natuwa at kinilig sa kanila, may iilan na hindi maganda ang reaksyon dahil bago pumasok si Kyle sa PBB ay mayroon itong naiwan na loveteam sa labas. Ito ang tambalan nila ni Francine Diaz.

Samanatalng sa panayam kay Bianca Gonzalez para sa Cinema News noong November 26, 2021, inamin ng dalaga na noon pa man ay nagpapadala na sa kanya si Kyle ng messages. Hindi niya raw ito pinapansin noon dhail hindi naman sila personal na magkakilala. Kpaag naman nagkikita sila sa ASAP, ito raw nag unang pumapansin sa kanya.

Kaya naman nang makasama niya ito sa loob ng bahay, napatunayan niya na mali ang akala niyang “ma-ere” o mayabang ito.

Kychie
Photo source: ABS-CBN ENTERTAINMENT
 

Kwento niya, “Ma-ere. Kasi tinatawag niya akong snobby sa loob ng bahay [ni Kuya],” sagot ni Chie.

“Kasi may mga messages siya na hindi ko talaga pinapansin din.

“Kasi ako yung tipong, siyempre, hindi pa tayo nagmi-meet. So, hindi ko talaga re-reply-an, or magre-reply ako a few days after.

“So, pinaalala niya sa akin iyon. Siyempre, hindi mo maalala kunwari.

“Tapos ang tawag niya sa akin, ‘Snobby ka talaga.’”

Kaya naman nang nanging malapit sila sa loob ng PBB house, agad daw siyang humingi ng paumanhin dito.

Ani Chie Filomeno, “’Sorry na. Sorry na.’ Ang akala ko kasi talaga ma-ere siya.

“Kaya yun din siguro yung minsan na kapag hindi siguro naging close sa labas, or pag mae-encounter mo siya, hi-hello lang, ganoon.”

Talagang iba raw nag bond na nabuo nilang dalawa at naiintindihan nila ang isa’t-isa.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show