CHIE FILOMENO, RAMDAM ANG PAGMAMAHAL SA OUTSIDE WORLD MULA NANG LUMABAS SA PBB

Bumuhos ang suporta at pagmamahal sa dating Girltrend member na si Chie Filomeno nang tuluyan itong ma-evict sa Pinoy Big Brother house noong Sabado, November 20.

Siya ang pang-tatlo na evicte mula sa Pinoy Big Brother (PBB): Kumunity Season 10 kasunod ng aktor na si Albie Casiño.

LOOK: Chie Filomeno marks 25th birthday with sexy shoot | PUSH.COM.PH
Photo Source: Push.com.ph

Matatandaan na trending ang nasabing nominasyon sa kanya ng housemate at internet sensation na si Madam Inutz matapos nitong sabihin na handa nang lumabas ng bahay si Chie dahil wala naman itong naitutulong doon at puro lamang ito paganda.

Ipinagtanggol pa siya ng kanyang kapatid na si Rio Filomeno, dahil deserve raw nito na tumagal pa sa loob ng bahay ni kuya.

Anito, “My sister does not deserve the shallow hate that she’s receiving right now. She’s a very genuine and hardworking person.

“Wala siyang ibang inisip kundi ang kapakanan ng iba. Started being a breadwinner at a very young age and has faced a lot of false accusations but still remained to see the good in them.”

Bagamat hindi man nagtagal at nabigyan ng pagkakataon na maibahagi ang kanyang buhay, nagpapasalamat pa rin ang dalaga na na-experience niya ang bagay na ito.

Sa kanyang pagbabalik sa outside world ay mas ramdam niya raw na minahal siya ng publiko.

Ang first task ni Chie | ABS-CBN Entertainment
Photo Source: ABS-CBN

Mensahe nito paglabas, “Hello outside world! [heart emoji]”

“Ramdam na ramdam ko ang nag uumapaw na pag mamahal at supporta na binibigay niyo po. Maraming salamat po talaga. Yakap mahigpit sa inyo.

“Love you Kuya and @PBBABSCBNTV [heart emoji]”

Nakarating na sa kanya ang nasabing komento ni Madam Inutz tila hindi siya naapektuhan nito. Kasama pa rin si Madam Inutz sa kanyang Big Four.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show