Chery Tiggo Crossovers, kampeon sa 2021 PVL Open Conference

Tinanghal na kampeon ang Chery Tiggo 7 Pro Crossovers sa 2021 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference na ginanap sa PCV Socio-Civic & Cultural Center, Ilocos Norte kahapon (August 13).

Pinangunahan ng magkapatid na Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat ang kanilang koponan para magwagi sa Creamline Cool Smashers sa limang sets, 23-25, 20-25, 25-21, 25-23, 15-8 sa ikatlong laban ng kanilang best-of-three series.

Natalo ang Chery Tiggo sa unang dalawang sets. Gayunpaman, binuhat ni Dindin ang kanilang koponan sa ikatlo at ikaapat na sets habang si Jaja naman ang namayagpag sa ikalima at huling set.

Una nang tinalo ng Chery Tiggo ang Choco Mucho Flying Titans sa semifinals kaya sila na ang unang kampeon sa PVL bilang pro league.

SOURCE: ABS-CBN

Samantala, masakit ang naging pagkatalo ng Cool Smashers dahil panalo sila laban sa Chery Tiggo sa unang dalawang sets. Gayunpaman, nakabawi ang Crossovers sa ikatlo at ikaapat na sets. At sa ikalima at huling set, nagpatuloy ang Crossovers sa kanilang mahusay na paglalaro.

Nagtala si Dindin ng 32 points habang si Jaja ay nakapagtala ng 26 points kabilang dito ang 22 spikes at apat na blocks.

Nakapagtala  rin si Jaja ng 25 points sa ikalawang laban nila kontra sa Cool Smashers. Dahil dito, siya ang ginawaran ng Finals Most Valuable Player (MVP) award. Siya rin ang itinanghal na conference MVP.

“I want to share all these awards to everyone in the team,” ang pahayag ni Jaja.

Ang iba pang awardees ay sina Alyssa Valdez (Creamline) at Myla Pablo (Petro Gazz) bilang Best Spikers, Jaja Santiago (Chery Tiggo) at Ria Meneses (Petro Gazz) bilang Best Middle Blockers, Kat Tolentino (Choco Mucho) bilang Best Opposite Spiker, JIa Morado (Creamline) bilang Best Setter, at Kat Arado (Petro Jazz) bilang Best Libero.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show