CAVE EXPLORERS, PINASOK ANG KINATATAKUTANG ‘WELL OF HELL’ SA YEMEN!

Maraming lokal na mamamayan ang naniniwala na ang malaking butas o balon sa kanilang lugar ay isang kulungan sa mga nilalang na tulad ng genies at daan patungo sa impyerno.

Ito ang “Well of Barhout” na kilala rin bilang “Well of Hell na matatagpuan sa al-Mahra province sa silangang Yemen.

Ayon sa ulat ng LiveScience, ang mga cave explorers mula sa Oman ang pinaka-unang mga tao na bumaba sa dulo ng 367-foot (112 meters) lalim na sinkhole.

Ang natural sinkhole ay may circular entrance na 98 feet (30m) ang diameter. Dati ng pinasok ng mga amateur explorers ang butas pero ngayon lan may nabalitang bumaba hanggang sa dulo nito.

SOURCE: @AFP twitter

Noong nakaraang linggo, isang team ng 10 explorers mula sa Omani Caves Exploration Team (OCET) ang pumasok sa Well of Barhout gamit ang pulley system. Ibinaba nito ang walong miyembro ng team hanggang sa dulo habang ang dalawa ay nanatili sa taas.

May maliit na grupo ng mga manonood ang nagtipon para saksihan ang ginawa ng mga explorers. Ang video ng pagpasok ng mga explorers sa sinkhole ay ibinahagi sa BBC news agency.

“Passion drove us to do this,” ang pahayag ni Mohammed al-Kindi sa AFP news agency. Isa siyang geology professor sa German University of Technology sa Oman at bahagi rin ng OCET team.

“And we felt that this is something that will reveal a new wonder and part of Yemeni history,” ang dagdag ni al-Kindi.

Inulat ng mga explorers na nakakita sila ng talon (waterfalls), mga ahas, mga patay na hayop, stalagmites at perlas sa kuweba. Gayunpaman, wala silang nakitang mga nilalang na genie o daan patungong impyerno.

Samantala, ang eksaktong edad ng sinkhole ay hindi pa nakukumpirma pero may posibilidad na ilang milyong taon na ito ayon sa AFP.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show