CARMI MARTIN, IBINAHAGI KUNG PAANO NABAGO NG COVID ANG KANYANG LIFESTYLE

“Siyempre ngayon, ingat na ingat.”

Ganito inilarawan ng beteranang aktres na si Carmi Martin ang kanyang naging buhay matapos magpositibo sa COVID-19 isang taon na ang nakalilipas.

PHOTO/S: @MISSCARMI_ ON INSTAGRAM

Matapos ang naging karanasan, mas naging maingat daw ang aktres sa kanyang sarili at sa mga taong kasama niya. Todo ingat raw siya sa mga taong nakakasalamuha niya lalo na sa labas ng kanilang bahay.

Kwento niya, “Actually, dati pa, before it happened, talagang ingat na ingat ako, pero siyempre, di ba, usually nag-start iyan sa driver or kasambahay, pero ngayon, talagang ingat na ingat din kami rito sa bahay.”

“”…kapag nagsu-shooting, I bring my own car at hindi ako nagsasama ng tao sa kotse ko or even a driver. Kasi doon ako nahawa, sa maliit na space.”

Dahil sa naging karanasan sa COVID, into healthy lifestyle na raw siya at ang kanyang buong pamilya.

Kwento ni Carmi Martin, “So ngayon, iyong healthy lifestyle, pina-practice talaga namin dito sa bahay at iyong matinding pag-iingat.

“Kasi nga, mas matindi raw makahawa itong variant na Delta. So malaki ang impact.”

Regular daw ang kanyang pag-excercise at madalas na rin siyang kumain ng mga masustansyang pagkain.

Carmi Martin survives COVID-19
Photo Source: Yahoo News

“Nag-exercise ako. Turmeric every morning, kumain ako ng mga prutas, positive attitude,” saad ng aktres.

Bukod roon, mas tumibay daw ang kanyang pananampalataya sa Panginoon.

Pagbabahagi pa nito, “Iyong aking 14 days quarantine, ginawa kong solitude with the Lord. My honeymoon with the Lord. Talagang ginawa kong Praise and Worship.”

Sa tuwing may nababalitaan daw siyang kasamahan na nag-positibo sa virus, hindi siya nagdadalawang isip na ibahagi rito ang kanyang testimony.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show