CARLOS YULO, WAGI NG GINTO SA GYMNASTICS WORLD CHAMPIONSHIPS!

Pinatunayan ni Carlos Yulo na isa pa rin siya sa pinakamahusay na gymnasts sa buong mundo. Ito ay matapos niyang sungkitin ang gintong medalya sa vault finals ng 50th FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Kitakyushu City Gymnasium sa Japan noong Linggo (Oktubre 24).

Si Yulo, edad 21, ay nakapasok sa vault finals matapos makuha ang pangatlong puwesto sa qualifying round sa score na 14.808.

Ang Filipino gymnast ay nakakuha ng average score na 14.916 matapos makapagtala ng 14.800 sa unang vault at nakapagtala ng 15.033 sa pangalawang attempt. Ang kanyang execution score ay nailista bilang 9.200 at 9.433 sa dalawang set.

Nakuha naman ni Yonekura Hidenobu ng Japan ng silver medal matapos makapagtala ng average score na 14.866 (15.000, 14.733). Si Andrey Medvedev ng Israel ang nakakuha ng bronze medal matapos makapagtala ng average score na 14.549 (14.833, 14.266).

Nagtapos naman si Thomas Grasso ng Italy sa ika-apat na puwesto matapos makapagtala ng average score na 14.549 (14.833, 14.266).

Si Yang Hak-seon ng South Korea ay nagtapos sa ikalimang puwesto matapos makapagtala ng average score na 14.399 (14.766, 14.033). Nagtapos naman si Courtney Tulloch ng Great Britain sa ika-anim na puwesto matapos makapagtala ng average na 14.383 (14.300, 14.466).

Samantala, si Nazar Chepurnyi ng Ukraine ay nagtapos sa ika-pitong puwesto matapos makapagtala ng average score na 14.149 (14.866, 13.433). Nagtapos naman si William Emard ng Canada matapos makapagtala ng average na 14.149 (14.866, 13.433).

Matatandaang nakapasok din si Yulo sa vault finals sa 2020 Tokyo Olympics at nagtapos sa ika-anim na puwesto.

Nabigo naman ang Filipino gymnast na depensahan ang titulo niya sa World Championships. Nagtapos siya sa ika-limang puwesto sa floor exercise.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show