BTS, NAGTANGHAL NG “PERMISSION TO DANCE” SA U.N. GENERAL ASSEMBLY

Nagtanghal ang BTS ng kanilang pinakabagong kanta na “Permission to Dance” sa United Nations General Assembly (UNGA) para ikalat ang mensahe ng pag-asa sa lahat lalo na ang mga kabataan.

Sa Sustainable Development Goals (SDG) Moments na ni-livestream sa UN YouTube Channel noong Lunes (September 20), ipinakita ng K-pop super group ang sigla at saya ng kanilang kanta.

Bukod sa pagkanta at pagsayaw na nakasuot amerikana, sina RM, Suga, J-Hope, V, Jungkook, Jimin, at Jin ay sumayaw din sa labas kasama ang iba pang tao sa pagtatapos ng awitin.

Habang nasusulat ang artikulong ito, ang BTS ang nangunguna sa Philippine Twitter trends na may iba’t-ibang hashtags at phrases.

SOURCE: @United Nations YouTube Channel

Sa kanilang talumpati, itinuturing ng grupo ang kasalukuyang sitwasyon bilang isang pagsalubong sa mas magandang simulain sa halip na isa itong katapusan sa kabutihan ng buhay.

Ang SDG Moment ay isang event kung saan ang mga pinuno sa iba’t-ibang panig ng mundo ay nagsasama-sama para pag-usapnan kung paano magagawa ang 17 SDGs lalo na ang pandemya.

Unang nagbigay ng talumpati ang BTS sa UN noong 2018 at naulit ito noong 2020.

Ang grupo ay bahagi rin ng kampanyang “Love Myself” ng UNICEF. Layunin nito na tapusin ang karahasan sa mga bata at kabataan at mapabuti ang mundo sa pamamagitan ng musika.

Ang awiting “Permission to Dance” ay inilabas noong Hulyo at pangatlong kanta ng BTS na isinulat sa wikang Ingles. Pinapalaganap nito ang “inclusivity” sa pamamagitan ng paggamit ng sign language sa choreography. Sinulat ito kasama ang singer-songwriter na si Ed Sheeran.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show