BSP, NAG-IIMBESTIGA NA SA INSIDENTE NG ‘UNAUTHORIZED WITHDRAWAL’ SA BDO

Sinimulan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang imbestigasyon sa unauthorized transfer ng pera mula sa BDO Unibank Inc. accounts papuntang accounts na nangangalang “Mark Nagoyo.” Ito ang inanunsyo ng opisyal ng BSP ngayong Martes (December 14).

Ayon sa panayam sa GMA News, sinabi ni BSP Technology Risk and Innovation Supervision Director Melchor Plabasan na sinusuri na nila ang insidente tungkol sa nasabing bangko.

“Nag-start na po kami ng investigation. Una-una  naming ginawa, siyempre iva-validate namin ‘yung claim ng bangkong involved dito,” ang pahayag ni Plabasan.

Ayon pa sa opisyal, tinukoy ng presidente ng BDO na may kinalaman ang kanilang web service na nakatakda nang i-retire sa 2022 sa nangyaring insidente.

“Yun po yung tutuntunin namin kung may iba pang rason kung bakit nga na-compromise ‘yung ibang accounts ng client ng bangkong ito,” ang dagdag ni Plabasan.

Nagreklamo ang mga biktima ng hindi awtorisadong paglabas ng pera mula sa kanilang BDO accounts at paglipat nito sa accounts na nangangalang “Mark Nagoyo” sa Union Bank of the Philippines (UBP). Kalaunan ay inilipat ang pondo sa accounts para maging cryptocurrencies.

Isiniwalat din ni Plabasan na ang Instapay transfer ay nagva-validate ng account numbers pero hindi ang account names.

Hindi pa abswelto ang mga naturang bangko sa accountability sa naganap na insidente. Aabutin naman ng 30 araw ang isinasagawang imbestigasyon ng task force ng BSP.

Samantala, si BSP Governor Benjamin Diokno ay sinabing tinututukan nilang mabuti ang isyu sa data breach tungkol sa ilang BDO Unibank Inc. accounts.

“The BSP has been monitoring the surge in complaints posted in social media platforms since the early part of this week,” ang pahayag ni Diokno.

“We are in close coordination with BDO as well as UBP on this incident to ensure that remedial measures are being undertaken, including reimbursement of affected consumers,” ang dagdag niya.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show