BRIDE, PATULOY SA PAGPAPADALA NG MENSAHE SA FIANCE NA 7 BUWAN NG PUMANAW

Isang ginang ang patuloy na nagpapadala ng mensahe sa kanyang kasintahan kahit pitong buwan na itong pumanaw.

Sa episode ng isang TV show sa GMA network, emosyonal na ikinuwento ni Camille Santos ang kanyang huling pag-uusap via chat kay Police Corporal Benny Bakurin bago ito masawi sa engkuwentro laban sa mga rebelde noong Marso sa Labo, Camarines Norte.

“Nagpaalam na siya nung gabi na ‘yun, nag ‘I love you’ na siya sa’kin, sabi niya ‘ma, matulog na ko, 1 a.m. kasi duty.’ Ako sabi ko, ‘okay, matulog ka na,’ tapos. nag ‘I love you’ rin ako sa kanya,” ang salaysay ni Camille.

“Tapos, after one hour, may nag-contact na sa akin, tapos sabi niya ‘Be, alam mo ba may encounter ngayon? Grabe ang putukan,'” ang dagdag niya.

Naging magkasintahan ang dalawa noong 2014 at nagplano na sila na magpakasal mula pa noong 2019.

“Excited na kami kasi ready na halos lahat — okay na ‘yung family ko and family niya, naghihintay na lang kami noon ng tamang oras para i-ready na rin ang lahat ng requirements,” ang kuwento ni Camille.

“Wala pong araw na hindi ako umiyak tungkol sa kanya, kasi iba po eh. Seven years is seven years, hindi yan mababago ng kahit na sino,” ang dagdag niya.

Gayunpaman, ibinahagi ni Camille na nakikipag-usap pa rin siya kay Benny araw-araw.

“Nasa punto ako na naghihintay ako na sana bumalik siya lahat ng pwede kong sabihin na kwento ko sa chat sinasabi ko sa kanya problema man ‘yan, masayang pangyayari man ‘yan, lahat, gusto ko updated siya,” ang kuwento ni Camille.

“Tutulungan ko po ‘yung sarili kong lumaban, bumangon [at] magrecover kahit alam kong sobrang hirap para sa akin, kasi ikaw [Benny] ‘yung pinangarap ko na lalaking mapapangasawa ko. Hanggang sa maging ok na po ako, mahal ko siya,” ang dagdag niya.

Ayon sa isang psychiatrist, ang pagpapadala ng mensahe ni Camille sa kanyang pumanaw na kasintahan ay paraan niya para maghilom mula sa sakit ng nawalan ng minamahal.

“Lahat ng ginagawa mo ngayon, if you feel na nakakatulong ‘yon, nakakagaan ‘yon sa emotions mo, then continue doing that kasi kanya-kanya tayo ng process of healing. Walang magic formula,” ang sinabi ni Dr. Joan Mae Rifareal kay Camille.

“Mas maganda talaga is i-feel talaga natin siya rather than ideny natin ang emotions,” ang dagdag niya.

Tintanong rin ng mga tao si Camille kung hanggang kailan siya magpapadala ng mensahe at bibisita kay Benny sa sementeryo.

“Sabi ko, hanggang kaya,” ang tugon ni Camille.

“Hanggang pwede,” ang dagdag niya.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show