BONGBONG MARCOS, HINDI NA RAW NAGULAT SA PAGTAKBO NI LENI ROBREDO

“It’s not surprising.”

Ito ang naging reaksyon ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa desisyon ni Vice President Leni Robredo na kumandidato bilang Presidente sa darating na halalan sa May 9, 2022.

Leni Robredo files candidacy for president
Photo Source: Rappler

Tila ito ang pagpapatuloy ng rivalry sa pagitan ng dalawang kampo.

Matatandaang tinalo ni Leni si Bongbong sa vice presidential race noong taong 2016.

Ayon sa dating senator, hindi na raw nakakagulat ang paghahain ni Leni ng kandidatura sa pagkapangulo dahil bukas naman ito sa kanyang mga pahayag na nais siya nitong makalaban.

Ani Bongbong Marcos, “Expected naman natin ‘yun eh. It’s not surprising. Hindi nakakagulat dahil matagal na niyang sinasabi na kung tatakbo ako, tatakbo rin siya.”

Wala naman daw siyang nakikitang isyu dito dahil mas maganda na maraming pagpipilian ang taong bayan.

Saad niya, “Maraming kandidato, maganda ‘yan para maraming pagpipilian ang tao.”

“We can give a whole range of choices as to policy, ideology, plans for the future, mas maganda ‘yung maraming iba’t ibang pinopropose para may pagpipilian ang tao,” dugtong pa niya.

Samantalang hindi naman nagbigay ng komento ang isa pang presidential candidate na si Sen. Panfilo Lacson tungkol sa pagtakbo ni Leni dahil nagkasundo raw sila ni Tito Sotto na mag-focus na lang sa kanilang kandidatura at huwag nang makialam at magkomento sa political rivals ngayong halalan.

Rappler on Twitter: "THE RACE IS ON. 🇵🇭 Meet the confirmed and leading  contenders for the presidential seat in the 2022 elections as of Thursday,  October 7. Who is your bet to
Photo Source: Twitter Rappler

Paliwanag niya, “We will focus only on presenting ourselves and our competencies to the electorate in an effort to get elected based on our own strengths, and not on the deficiencies of the others.”

“We intend to keep it that way, even as we encourage our supporters to follow our lead,” dugtong pa ni Lacson.

Maging ang dalawang presidential candidate na sina Sen. Manny Pacquiao and Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ay wala ring komento sa pagtakbo ni Vice President Leni Robredo.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show