BLACKPINK, HINIRANG NA SDG ADVOCATES NG UNITED NATIONS

Isa na namang global milestone ang naganap para sa K-pop girl group na BLACKPINK. Ito ay matapos silang mahirang na sustainable development goals (SDG) advocates ng United Nations (UN).

Sa twitter account ng UN, ang mismong si UN Secretary-General Antonio Guterres ang pumili sa 4-member group bilang bahagi ng pamilya ng UN at nag-anunsyo sa pagkahirang nila.

“Welcome #BLACKPINK to the UN family,” ang pahayag sa tweet.

SOURCE: @UN_News_Centre twitter

Sa ulat ng Korean pop at drama website na Soompi, ibinunyag ng YG Entertainment na ang BLACKPINK ang unang Asian artists na napili bilang SDG advocate ng organisasyon.

“We truly believe in the importance of collective action. We will only be able to make a difference when we come together, for the good of everyone. Now is the time to act for a safer tomorrow and a better future,” ang pahayag ng K-pop group ayon sa ulat ng Soompi.

Ang BLACKPINK ay kinabibilangan nina Jennie, Rosé, Jisoo, at Lisa. Nagdebut ang grupo noong Agosto 2016 sa ilalim ng YG Entertainment. Ilan sa mga sumikat nilang kanta ay “Boombayah,” “Ddu-Du Ddu-Du,” “Kill This Love,” at “How You Like That.”

Noong 2019, ang K-pop superstars ay gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang Korean girl group na nagperform sa Coachella music festival sa Estados Unidos.

Matatandaan din na dati ng hinirang ng UN ang BLACKPINK bilang advocates para sa Climate Change Conference (COP26) noong Pebrero 2021.

Sa kanyang sulat, binati ni British Prime Minister Boris Johnson ang grupo sa tagumpay ng kanilang video para pataasin ang kamalayan ng publiko tungkol sa climate change.

“Your recent video ‘Climate Action in Your Area #COP26’ was a huge success, being viewed over 10 million times across social media platforms. Climate change is the most important issue of our time… it is fantastic that you have chosen this moment to lend your voices to this critical issue,” ang sinulat ni Johnson.

Tara at panoorin natin ang short video ng BLACKPINK tungkol sa climate change.

SOURCE: @BLACKPINK YouTube Channel

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show