BLACKPINK, HINDI NA TATANGGAP NG MGA REGALO MULA SA FANS!

Hindi na tatanggap ang K-pop super group na BLACKPINK ng mga regalo mula sa kanilang mga tagahanga. Ito ang inanunsyo ng kanilang ahensyang YG Entertainment noong Martes (October 12).

Ayon sa ulat ng Soompi, ang manager ng idol group na nangangasiwa sa fan support ang nagbalita sa publiko.

“We will respectfully no longer be accepting any fan support or mailed gifts that fans prepare to celebrate Blackpink’s special occasions,” ayon sa pahayag. Tinutukoy nito ang mga regalong ibibigay sa anniversaries, broadcasts, o concerts,

“We would be grateful if you would give the gifts and fan support you prepare to convey your love and celebrate these special days to places where they are more needed,” ang dagdag ng pahayag.

SOURCE: Billboard

Ayon pa sa management, ang desisyon ay nangyari matapos pag-usapan ito ng mga miyembro ng grupo sa mahabang panahon. Matagal nilang pinagdebatehan ang isyu ng fan support at regalo na ibinibigay ng mga BLINKS (fans ng grupo).

Naging epektibo ang ganitong patakaran ng BLACKPINK noong Martes (October 12). Kaya naman, ang mga regalong matatanggap simula sa Martes ay hindi na tatanggapin.

“Aside from fan letters, please keep in mind that any mailed gifts or delivered packaged will either be returned or thrown away. We ask for fans’ cooperation and understanding,” ayon sa YG Entertainment.

Samantala, pinasalamatan din ng ahensya ang mga BLINKS para sa todong suporta nila sa fifth anniversary ng grupo noong Agosto.

“This year, BLACKPINK members celebrated the fifth anniversary of their debut and, once again, received more congratulations from the fans than they could ever have asked for,” ang sinabi ng YG.

“BLACKPINK will continue to pursue an even wider variety of activities in the future, and they will work hard to become even cooler artists. Please continue to give them lots of interest and love,” ang dagdag ng ahensya.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show