BIANCA GONZALES, SPEAKS UP ON TONI GONZAGA’S CONTROVERSY

Kabi-kabila ang mga kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng Kapamilya actress at TV host na si Toni Gonzaga dahil sa panayam niya kay former Senator Bongbong Marcos para sa kanyang web show na Toni Talks sa YouTube.

Marami ang hindi natuwa dahil tila naging pabor sa Senator ang nasabing interview matapos hindi mapag-usapan ang mga kontorbesiyal at mahahalagang isyung kinasangkutan ng pamilya Marcos.

Matatandaang tinaguriang diktador ang dating pangulong Ferdinand Marcos na ama ni Bongbong Marcos matapos nitong ipatupad ang batas militar noong September 21, 1972 hanggang January 17, 1981. Kabi-kabila rin ang kinaharap niyang korapsyon at human rights violation.

Kaya naman ganoon na lamang ang dismaya ng publiko sa hindi pag-usisa ng TV host tungkol sa mga nangyari noon. Tinawag pang “enabler” si Toni at maging ang pagiging ninong ni Bongbong sa kanyang kasal ay naungkat.

Marami ang nagbahagi ng kani-kanilang saloobin ukol sa nasabing isyu at isa na nga rito ang malapit na kaibigan ni Toni na si Bianca Gonzales.

Photo Source: Instagram @iamsuperbianca

Panimula niya, “Many of you have been tagging me. My stand has, ever since, been very public: #NeverForget and #NeverAgain.

“I might have even seen some of you at the rallies.”

Marami raw ang nagtatanong kung ano ang masasabi niya sa isyu at kung bakit tahimik siya at hindi kayang punahin ang kanyang kaibigan.

Depensa niya, “I’ve gotten messages asking, ‘Bakit tahimik ka sa issue??’

“As a friend, I choose to reach out privately and dialogue respectfully, instead of ‘call out’ publicly.

“Because for me, that is what a true friend would do.”

Nirerespeto raw niya na mayroong iba-ibang paniniwala ang mga magkakaibigan o kahit ang magkakapamilya pero nananatili raw ang kanyang paniniwala na hindi maituturing na bayani ang dating pangulong Ferdinand Marcos.

Samantalang tahimik naman ang kampo ni Toni at patuloy lang ang mga ito sa pag promote ng nasabing interview.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show