BBM, HINDI KAILANGANG HUMINGI NG TAWAD AYON KAY RAFFY TULFO

Hindi  kailangang humingi ng tawad ang dating senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga kasalanan ng kanyang ama at pumanaw na diktador na si Ferdinand Marcos Sr. Ito ang sinabi ng kumakandidato bilang senador at broadcaster na si Raffy Tulfo ngayong Lunes (October 18).

“Why would he (Bongbong) apologize for something he didn’t do, na ang may kagagawan ay tatay niya?” ang pahayag ni Tulfo sa kanyang panayam sa ANC.

“Give the other relative na wala namang kinalaman doon sa kaso a chance para ma-prove niya ang sarili niya,” ang dagdag niya.

Nauunawaan daw ni Tulfo ang sitwasyon ni Marcos Jr. dahil ang broadcaster mismo ay madalas nadadamay sa mga isyung kinasasangkutan ng kanyang mga kapatid.

Ang kanyang kapatid at dating Tourism Secretary na si Wanda Tulfo-Teo ay nasangkot sa umano ay anomalya sa paglalagay ng P120- million ad sa television program ng kanilang kapatid na si Ben Tulfo. Kamakailan lamang ay napawalang sala si Tulfo-Teo sa kanyang kaso.

“May mga issue ang mga kapatid ko, and yet tinuturo sa akin na kasabwat ako at sinasabihan rin ako na mag-sorry, isoli niyo yan. Sinasabi ko, why? Anong kinalaman ko diyan? Bakit ako mag-sorry? I don’t have anything to do with it,” ang sinabi ni Tulfo.

Muling nabuhay ang interes ng publiko sa mga nakaw na yaman at pang-aabuso ng rehimeng Marcos matapos maghain ng kandidatura sa pagka-pangulo si Marcos Jr sa Eleksyon 2022.

“Kung meron nang court decisions, pabayaan na natin yung korte na i-implement yan. Kung ano pang kasong meron na pending, so be it. Hayaan nating gumulong ang mga kasong yan sa korte,” ang sinabi ni Tulfo.

Ayon pa sa broadcaster, na kay Marcos Jr. na kung kikilalanin niya ang mga kalupitan na naganap sa ilalim ng administrasyon ng kanyang ama.

Samantala, nanguna si Tulfo sa mga kandidato bilang senador sa Pulse Asia at Social Weather Stations surveys na ginawa noong nakaraang buwan.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show