BATO DELA ROSA, KINAKABAHAN SA ICC PROBE AYON KAY PANGULONG DUTERTE

Si Senador Ronald “Bato” dela Rosa ay kinakabahan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) tungkol sa madugong kampanya ng administrasyon kontra bawal na gamot. Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes (October 21).

Si Dela Rosa ang standard-bearer ng pamahalaan para sa Eleksyon 2022. Gayunpaman, payag ang senador na magbigay daan sa anak ni Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Si Dela Rosa ay dati ring namuno sa “drug war” campaign ng administrasyon. Siya ang arkitekto ng nasabing kampanya  ng pamahalaan.

“Bato, he got nervous because was involved [and he oversaw Oplan] Tokhang,” ang pahayag ni Duterte sa wikang Filipino sa harap ng mga miyembro ng anti-communist task force sa Lucena City sa Quezon.

“I told him not to worry,” ang dagdag niya.

Sinabi rin ni Duterte na kung mayroon mang makukulong, siya raw iyon.

“If there is any person who is going to prison, it would be me. But it should be a Filipino court, manned by a Filipino judge and me prosecuted by a Filipino prosecutor,” ang sinabi ng Presidente.

Ang imbestigasyon ng ICC ay sasakop hanggang sa taong 2011 kung saan ang mga pagpatay ay ginawa umano ng Davao Death Squad.

“I will be the one who will be imprisoned. I already said before, I assume full responsibility,” ang sinabi ni Duterte.

“That’s why I told Bato…keep quiet there and just…point to me.”

“I will answer for all,” ang dagdag niya.

Samantala, sinabi ni Dela Rosa na po-protektahan niya si Duterte at siya mismo mula sa imbestigasyon ng ICC kapag nanalo siya bilang presidente.

“I will not only protect President Duterte but also myself because we are both co-accused in the case there,” ang pahayag ng senador sa panayam sa kanya ng ANC.

Nananawagan naman ang Rights group Karapatan sa Commission on Elections (Comelec) na ideklara si Dela Rosa bilang “nuisance” candidate.

“Straight from the horse’s mouth, Bato’s objective for running for president is clear: to protect himself and President Duterte from the ICC’s investigation as he eyes to continue the same murderous policies such as the sham drug war and the brutal counterinsurgency campaigns,” ang pahayag ng grupo. “[A] candidate who is explicitly running for self-preservation — and not for the interest of the Filipino people — is nothing more than a shameless nuisance candidate who should be disqualified from the elections,” ang dagdag nila.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show