BASURAHAN SA JERUSALEM, MAHUSAY MAG-TRASH TALK?

Isang trash bin na naka-install katabi ang bus stop sa Jerusalem ang naging mainit na balita sa Israel. Ito ay dahil sa kakaibang kakayahan ng basurahan na purihin ang isang indibidwal dahil sa hindi pagkakalat sa lugar.

Sa tuwing maghuhulog ng basura ang isang indibidwal, isang recording na boses bata ang maririnig na magsasalita. Magsasabi ito ng “Thank you very much!”

Ito ay isang inisyatibo ng mga lokal na residente para malinis ang kalye sa Pat neighborhood ng siyudad. Ang Jerusalem ay kilala sa popular na religious sites na sagrado sa mga Jews, Christians, at mga Muslim. Gayunpaman, isa rin ito sa pinaka-congested na lungsod na may halos isang milyong residente kasama ang mga basura nito.

“Our neighborhood is dirty and and we want to make a difference,” ang sinabi ni Talya Tomer na isang lokal na residente at street artist.

“We want to have clean, clean streets that look nice and are nice to walk in,” ang dagdag niya.

Para maging alinsunod sa Jewish Sabbath, ang device ay tinu-turn off ng volunteer tuwing hapon ng Biyernes.

Ang mga trash can ay makikita rin sa ilang lungsod ng Europa tulad ng London at Berlin para maiwasan ang pagkakalat ng tao. Kaya nitong magsalita o gumawa ng nakaka-aliw na tunog kapag may ipinasok na bagay sa loob.

Mayroong itong solar panel, sensor, at device na nagpapahayag ng pasasalamat sa iba’t-ibang boses kapag nalagyan ito ng basura.

Samantala, ang munisipalidad ng Jerusalem ay nag-aalok ng suporta sa may mga katulad na inisyatiba para mas mapahusay ang kalagayan at itsura ng lungsod.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show