BAGONG SUPERMAN, LUMANTAD NA BILANG BISEXUAL?

Ang anak nina Clark Kent (Superman) at Lois Lane sa DC Comics na si Jon Kent ay lumantad na bilang isang “bisexual.” Si Jon ang tinaguriang bagong Superman sa DC Multiverse.

Ayon sa DC Comics, ang romantikong pag-iibigan nina Jon at reporter na si Jay Nakamura ay makikita sa susunod na issue ng “Superman: Son of Kal-El #5” sa darating na Nobyembre.

Ibinahagi rin ng DC website ang isang illustration kung saan makikitang naghahalikan sina Jon at kanyang partner.

SOURCE: @DCSuperman twitter

“I’ve always said everyone needs heroes and everyone deserves to see themselves in their heroes and I’m very grateful DC and Warner Bros. share this idea,” ang pahayag ng writer na si Tom Taylor.

“Superman’s symbol has always stood for hope, for truth and for justice. Today, that symbol represents something more… Today, more people can see themselves in the most powerful superhero in comics,” ang dagdag niya.

Samantala, ipinagmamalaki ni DC Chief Creative Officer at Publisher Jim Lee na mailathala ang ganitong importanteng istorya.

“We talk a lot about the power of the DC Multiverse in our storytelling and this is another incredible example,” ang sinabi ni Lee.

“We can have Jon Kent exploring his identity in the comics as well as Jon Kent learning the secrets of his family on TV on Superman & Lois… They coexist in their own worlds and times, and our fans get to enjoy both simultaneously,” ang dagdag niya.

Ginawa ng DC ang pag-anunsyo noong Lunes (October 11). Ito ang araw na ipinagdiriwang sa Estados Unidos bilang “National Coming Out Day.”

“We try to bring those people with us, but we are writing for the people who will hopefully see this Superman… and say ‘This Superman is like me. This Superman is fighting for things that concern me’,” ang sinabi ni Taylor.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show