ATHENA MADRID, IBINUYAG ANG TUNAY NA UGALI NG KUYANG SI RURU MADRID

Ibinunyag ni Athena Madrid ang tunay na ugali ng kanyang nakakatandang kapatid na si Ruru Madrid.

Ayon sa dalaga, totoo raw na galante at mapagbigay ang kanyang kuya kagaya ng mga kumakalat ngayon sa social media matapos ang isinagawang prank ng aktor na si Buboy Villar kay Ruru.

Meet Athena Madrid, the stunning sister of Ruru Madrid | GMA Entertainment
Photo Source: GMA Network

Matatandaang maraming netizens ang humanga kay Ruru matapos nitong sabihin kay Buboy na handa siyang magbigay ng 150,000 bilang tulong sa kaibigan.

Sa nasabing prank ay nangungutang si Buboy kay Ruru ng 250,000.

Ayon kay Athena, noon pa man ay ganoon na talaga ang kanyang kuya. Kung galante raw ito sa ibang tao o sa kanyang mga kaibigan, mas galante raw ito sa kanilang pamilya.

Saad ng dalaga, “Si Kuya kasi yung, hindi dahil sa kapatid ko siya, pero nakikita ko sa kanya na parang wala siyang pakialam sa pera talaga.

“Kapag meron kang gusto, bibilhin niya. Hindi lang dahil sa kapatid niya ako, pero sa lahat talaga, ganun siya. Sobrang generous niyang tao.”

Sa palagay nga raw ng dalaga, sa sobrang pagkagalante ni Ruru ay baka wala na itong maiipon para sa kanyang sarili.

Pambubuking nito, “Feeling ko, baka wala nga siyang ipon, e. Sa sobrang generous niya, baka wala siyang ipon.”

PHOTO/S: @ATHENAHMADRID INSTAGRAM

Hindi lang daw mapagbigay si Ruru kundi sobrang supportive din na kapatid. Mula raw nang pumasok siya sa industriya ay lagi itong nakasuporta at nakagabay sa kanya.

“Yung pinaka natandaan ko lang, sa sobrang daming advice na binigay niya sa akin, siguro iyong palagi ko raw isipin na every time na may gagawin akong scene, palagi ko raw isipin na last ko na yun para mabigay ko raw yung best ko,” ani Athena Madrid.

Isa si Athena sa mga patunay na talagang mabuting tao ang aktor.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show