ATE GAY, HUMINGI NG SORRY KAY VICE GANDA

Hindi raw intensyon ng stand-up comedian na si Ate Gay na madawit ang pangalan ng TV host at kapwa komedyanteng si Vice Ganda sa mga isyung kanyang kinakasangkutan.

Humihingi raw siya ng paumanhin kay Vice Ganda matapos itong maglabas ng kanyang saloobin at sabihing nasaktan siya matapos maliitin at okrayin ng ilang netizens ang 20,000 na tulong na kanyang ibinigay kay Ate Gay.

Vice Ganda nagsalita na sa nangmamaliit sa ibinigay niyang tulong kay Ate  Gay - Kapamilya Online World
Photo Source: Kapamilya Online World

Sa depensa ni Ate Gay, napilitan daw siya na ilabas ang mga pangalan ng taong nagbigay sa kanya ng tulong nang maospital noon dahil sa mga basher na pinagmumukha siyang walang utang na loob.

Tila sinasabi raw kasi ng mga ito na si Vice ang nagbayad ng kanyang hospital bill at ito lang ang tanging tao na tumulong sa kanya. Gusto lang daw niya ipaalam sa publiko kung ano ang totoo pero hindi niya intensyon na madamay si Vice.

Pahayag nito, “Kung di po ako sasagot parang isa akong masamang nilalang…

“naprovoke lang po ako sa isang fan na sabihan ako na sana di nalang ako tinulungan ni vice sana NAMATAY nalang ako kaya nilabas ko mga amount ng tumulong sa akin..”

Sa tulong daw ni Ogie Diaz ay ipinaabot niya ang kanyang paumanhin sa komedyante at sa iba pa niyang kaibigan. Nagpapasalamat daw siya sa mga taong tumulong sa kanya. Maliit man o malaking halaga, tulong pa rin daw ito.

Photo Source: Pep.ph

Ani Ate Gay, “nagpapasalamat ako kay vice at si ogie diaz ang tulay sa pagsosorry ko kay vice.. masyado lang ako nasaktan sa basher..

“sana mapatawad nyo ako .. lalo na mga kaibigan kong tumulong sa akin at sa kapatid ko…”

Nahihiya raw siya dahil laging idinidikit ang kanyang mukha kay Vice Ganda. Okay raw sila at walang isyu kaya sana ay dito na raw matapos kung ano man ang kontrobersiya na ibinabato sa kanila.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show