ARIELLA ARIDA, SHARES KISSING SCENE EXPERIENCE WITH LASSY

“Pinakamalansa sa lahat ng malansa.”

Ganito pabirong inilarawan ng dating beauty queen na si Ariella Arida ang kissing scene nila ng komedyanteng si Lassy Marquez sa  kanilang sexy-psychomedy movie na Sarap Mong Patayin.

PHOTO/S: VIVA FILMS

Isa ang nasabing kissing scene sa highlight ng pelikula kaya naman ito ang laman ng mga panayam sa kanilang dalawa.

Sa pagitan nina Lassy at Ariella, si Lassy raw ang mas naasiwa sa nasabing eksena. Nang malaman daw nito sa kanilang direktor na si Darryl Yap na hahalikan niya si Ariella, nagdalawang-isip ang gay comedian.

Hindi raw kasi talaga ito komportable na makipaghalikan sa mga babae.

Samanatalang wala namang naging prolema kay Ariella ang nasabing eksena pero aminado siyang nalansahan siya kay Lassy.

Natatawang saad nito, “Pinakamalansa sa lahat ng malansa, sa lahat ng isdang malansa!”

Umpisa pa lang daw ng pagkikita nila ni Lassy ay tinanggap na niya sa kanyang sarili na hahalikan niya ang taong ito. Itinatak niya raw ito sa kanyang utak nang sa ganoon ay masanay siya.

Kit Thompson, Ariella Arida & Lassy Marquez Star In SARAP MONG PATAYIN  available on Vivamax by Oct 15 - The Fanboy SEO
Photo Source: The Fanboy SEO

Kwento pa ni Ariella Arida, “Unang kita pa lang namin ni Lassy, yun agad ang pinag-usapan namin.

“Sabi ko, ‘Hahalikan kita?’ Siya pa yung parang nagdadalawang-isip.

“Ang ginawa ko, tinitingnan ko na lang siya every day kapag magkasama kami sa set para talagang matanggap ko na ito yung hahalikan ko,” dugtong pa nito.

Pahabol pa niya, “Kung sabi ni Lassy, hindi siya nag-toothbrush [sa kissing scene namin], okay lang. Nahalikan naman niya yung sipon ko. Yun ang ganti ko.”

Samantalang nang hingin naman ang opinyon ni Lassy tungkol sa nasabing kissing scene nila ng beauty queen, isang malutong na “yuck” ang nasambit nito.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show