APOLLO QUIBOLOY, ALAM DAW KUNG PAANO PATIGILIN ANG PANDEMYA

“If you continue that, the world will suffer.”

Ito ang naging pahayag ng self-proclaimed Appointed Son of God na si Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ kaugnay sa pang-aakusa sa kanya ng sex trafficking at pang-aabuso sa mga kababaihan.

Apollo Quiboloy faces sex trafficking charges in the US | Philippines  Lifestyle News
Photo Source: Philippine Lifestyle news

Ayon sa kanya, ang pang-uusig at pagdidiin daw na ito sa kanya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng bagong variant ang COVID-19 na Omicron. Sa ulat ng World Health Organization, ang bagong variant raw na ito ay mas matindi at mas mabilis makahawa kumpara sa mga naunang variant ng nasabing virus.

Sa sermon ni Quiboloy sa kanyang mga tagasunod noong November 28, sinabi nito na hindi nagkataon ang nangyaring pang-uusig sa kanya at ang paglitaw ng bagong variant na ito.

Ani Apollo Quiboloy, “Haven’t you noticed? Every time I pray and the kingdom is being assaulted, this is the first time, this Delta variant pandemic came after January 29, 2020, and after November 18, right after the malicious and vicious persecution that was hit upon me and my name and the Kingdom nation, all of a sudden, you did not notice that?

“That is not a coincidence, I am sent into this world to be the standard of salvation and judgment.”

Nanindigan siya na walang katotohanan ang lahat ng ibinibintang sa kanya ng prosecutor ng Amerika. Sinabi pa nito na lalong magdurusa ang buong sanlibutan kapag itinuloy ang paninira ng kanyang pangalan.

Pahayag niya, “Do not ever ever play a joke or continue to pursue the persecution of the appointed son because the Father in heaven has already declared through the appointed son, no one can escape this.

Quiboloy warns of 'much worse than Omicron virus' if his 'persecution' is  not stopped | Inquirer News
Photo Source: Inquirer.net

“The way you treated the appointed son here is the way this world is going to receive its judgment.

“You want these to stop? Stop persecuting, prosecuting, and maligning and falsely accusing the appointed son.

“If you continue that, the world will suffer.

“The world all over will suffer the judgment of the Father Almighty because the day of the Lord as I said is here. It’s no longer the days of man.”

Para raw mahinto ang pandemya, ihinto na ang pang-uusig at pang-iinsulto sa kanyang pagkatao.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show