ANGELI PANGILINAN, ITINANGGI NA LILIPAT NG ISTASYON SI GARY V

Tahasang itinanggi ni Angeli Pangilinan ang bali-balitang, ‘di umano ay lilipat ng istasyon ang kanyang asawang si Gary Valenciano.

Nagsimula ang nasabing isyu nang ma-tweet si Gary noong Oktubre 15, Biyernes, tungkol sa isang malaking desisyon na kailangan niyang gawin.

Angeli Pangilinan recovers from COVID-19
Photo Source: Rappler

Kabuuan niyang tweet, “Hi everyone. Just wanted to see how you’re all doing. Can I ask you say a prayer for me?

“Major decisions I need to make and I hope I make the one that is truly lead by the Spirit. Thanks my friend.”

Bukod rito, napansin din ng publiko na hindi masyadong lumalabas ang singer sa  ASAP Natin ‘To. Dahil dito, marami ang nabahala at inakalang lilipat na rin si gary ng network.

Samantalang agad naman na natuldukan ang mga espekulasyon dahil ang asawa niya mismong si Angeli ang nagsabi na hindi ito totoo. Wala raw kinalaman sa karera ng asawa ang sinasabi nitong “big decision.”

Paliwanag niya, “Pure Gossip. Where did you get that? He had to make a personal decision not a professional decision. People speculated. Rest assured he will remain in ASAP. We respect the decisions of others to move but he is not led to do so.”

Mahal daw nila ang Kapamilya network dahil noong mga panahon na halos mamatay si Gary ay hindi raw sila iniwan nito.

Hindi rin daw totoo ang espekulasyon na papasukin ni Gary ang pulitika.

Ani Angeli Pangilinan, “Never! He never trained for that haha Mayor Gary? Senator Gary? Congressman Gary? President Gary? Hindi yata bagay.”

Sa huli ay nagpasalamat naman si Angeli s amga taong patuloy na sumusuporta at nagdarasal para kay Gary na mayroong kinakaharap na karamdaman.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show