ANDREA BRILLANTES, MASAYA RAW SA RELASYON NILA NG KA-LOVETEAM NA SI SETH FEDELIN

Bagamat trabaho nag focus ngyaon ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes, kahit papaano ay kaya naman daw niyang isabay ang kanyang buhay pag-ibig rito.

Sa mediacon ng Beautederm noong Nobyembre 25, Huwebes, sinabi ng dalaga na wala siyang balak magpahinga sa paggawa ng mga proyekto kahit pa ang iilang celebrity ay nag-uumpisa nang magbakasyaon at pag-relax.

IN PHOTOS: SethDrea's sweetest moments, compiled! | Star Cinema
Photo Source: Star Cinema

Kwento niya, “Kasama ko lang po si Tita Cory [Vidanes] the other day, tapos sabi niya, ‘Grabe, pagod na pagod ka na!’

“Tapos, sabi ko, ‘Mas gusto ko pong napapagod kesa nagpapahinga.’

“Kasi siyempre po, as a breadwinner, marami pong umaasa sa akin. At… simula po kasi noong three years old, nangangarap na po ako, e.”

Gayunpaman, marami mang ginagawa para sa kanyang trabaho, kaya pa rin daw ni Andrea na bigyang pansin ang mga nagpaparamdam sa kanya na potential lovelife o mga manliligaw.

Natatawang saad nito, “Ay! Magaling din po akong mag-multi-task! Hi! Hi! Hi!”

Gayunpaman, sa palagay naman daw ng aktres ay walag maglalakas loob na ligawan siya dahil hindi lingid sa kaalaman ng lahat na mayroon siyang “special friend” na si Seth fedelin.

TEAM SETHDREA OFFICIAL on Twitter: "If you see this, you retweet this na  lang ha. SETHDREA foreBERna… "
Photo source: Twitter Team SethDrea Official

Pahayag nito, “Ahhhmm… kasi siyempre, alam niyo naman po, meron akong special friend… na si Seth,” napangiting saad ni Andrea.

“Ahhm, happy na po ako with his company. And kung meron man pong manliligaw sa akin… ewan ko, hindi naman din po ako lapitin.

“Kasi, hindi po ako pala-gala. Hindi po kasi ako extrovert. At marami nga pong boys, ang tingin, suplada ako. O kaya’y intimidating ako.”

Hindi raw siya naghahanap ng iba dahil masaya siya sa kung ano man ang mayroon sa pagitan nila ng ka-loveteam. Natutuwa raw siya na suportado nila ang isa’t-isa at sila ang palaging magkasama sa trabaho.

“Hindi rin po ako naghahanap as of the moment. Masaya na po ako sa relasyon namin ni Seth ngayon.

“Masaya ko rin po siyang katrabaho ko. Masaya ako na sinusuportahan niya ako,” ani Andrea Brillantes.

Sa ngayon ay ine-enjoy lang daw muna nila ang company ng isa’t-isa at klaro rin naman sakanila kung ano ang mga gusto nila.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show