ANDREA BRILLANTES, ANSWERS ASSUMPTIONS ABOUT HER

Game na binasa at sinagot ng young Kapamilya actress na si Andrea Brillantes ang ilang assumptions sa kanya ng publiko sa kanyang latest vlog.

Isa sa highlight ng nasabing vlog ay nang klaruhin niya ang isyung ibinabatao sa kanya na ‘di umano, siya ay retokada.

Maldita? Andrea Brillantes answers assumptions about her
Photo Source: YouTube Andrea Brillantes

Paglilinaw niya, “Hindi po ako retokada pero thanks for thinking that. Ibig sabihin may maganda sa mukha ko para maisip niyo na retokada ako.”

Ikinukumpara raw kasi ng ilang kritiko ang itsura niya noong bata siya at ang itsura niya ngayon, partikular ang kanyang ilong. Hindi raw siya nagpagawa ng kahit ano, sa palagay niya, nagkaroon ng pagbabago rito dahil pumayat siya.

“Kung titingnan niyo rin naman ‘yung mga baby pictures ko, kung iisipin niyo na peke ‘yung ilong ko… Tumubo lang ‘tong bridge ko noong ‘Kadenang Ginto’ kasi manas na manas ‘yung mukha ko dati at doon ako nagsimulang pumayat. Tsaka nagma-mature kasi talaga ang mukha,” anito.

Bukod doon, nilinaw din ni Andrea na hindi siya “suplada” kagaya ng sinasabi ng iba. Dahil minsang na-bully sa school, naging mahiyain at pinili niya raw na dumistansya sa ibang tao.

Saad pa ng dalaga, “Ang dami talagang taong nagsasabi na suplada ako. Dati kasi sobrang mahiyain ako. Kasi nga ‘di ba ako ‘yung laging hindi pinapansin, ako ‘yung laging nasa sulok lang, ako ‘yung laging binu-bully so hindi ako namamansin ng mga tao kasi feeling ko lahat sila aawayin lang ako.”

Nami-misinterpret lang daw siya ng ibang tao kaya napagkakamalang maldita.

Ipinaliwanag din ng aktres kung bakit wala siya masyadong kaibigan sa showbiz industry.

Aniya, alam niya raw kasi noon pa man na maraming “plastic” sa mundong kanyang ginagalawan kaya naman minabuti niyang piliin ang kakaibiganin.

Watch here:

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show