ALMA MORENO, HINDI PA RIN NAKAKALIMOT SA GINAWA SA KANYA NI KAREN DAVILA

Isa sa highlight ng pelikulang #Pornstar 2: Pangalawang Putok ng dating sexy star na si Alma Morena, ang paglalabas nito ng hinanakit tungkol sa isang reporter na ‘di umano’y dinikdik at ipinahiya siya on national TV.

Bagamat hindi inangalanan ng aktres kung sino ang reporter na kanyang tinutukoy, malinaw na may kaugnayan ito sa kontrobersiyal na interview sa kanyang ng reporter na si Karen davila noong November 11, 2015 sa Headstart, ANC.

WATCH: Super Awkward Interview Between Karen Davila and Alma Moreno - When  In Manila
Photo source: When In Manila

Noong mga panahon na iyon ay tumatakbo ang aktres bilang senador pero dahil hindi niya nasagot nang maayos ang ilang katanungan ni Karen tungkol sa isyung panlipunan kagaya ng same-sex marriage, women’s rights, at reproductive health, ay umani siya ng sandmakmak na batikos mula sa publiko.

Ayon sa kanyang mga pahayag na binitawan sa nasabing pelikula, tila indikasyon ito na hanggang ngyaon ay hindi pa rin nakakalimot at nasasaktan pa rin siya sa pangyayaring iyon.

“Hindi na ako magbabanggit, sa TV. Yung sa TV po na yung isang reporter na sumagot na ako pero talagang idinidiin, idinidiin po ako hanggang sa napahiya na ako. Hanggang sa bashers ko, sobra na.

“Hindi na lang po ako sumagot,” medyo emosyonal na saad nito.

Ayon pa sa kanya, wala raw karapatan ang kahit sino na hamakin at maliitin ang kanilang pagkatao anupaman ang propesyon nila sa buhay noon.

“Hindi porke mga sexy star kami, bold star kami, huhusgahan niyo lahat dahil kami ho, tao lang na nasasaktan din pero may puso ho kami,” ani Alma Moreno.

Bagamat malaki ang naging epekto ng panayam na ito sa kanya at sa kanyang kandidatura noon, hanggang ngyaon daw ay hindi pa rin dumarating ang inaasahan niyang paumanhin mula kay Karen.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show