ALEX GONZAGA, REVEALS MISCARRIAGE

Linggo, October 17 nang tuluyang basagin ng TV host at vlogger na si Alex Gonzaga ang kanyang pananahimik tungkol sa kanyang pagbubuntis at miscarriage na naranasan.

Sa kanyang Facebook page at Instagram account, kinumpirma ng aktres na dalawang buwan na ang nakalilipas nang malaman niyang nagdadalan-tao siya pero pagkatapos ng tatlong linggo ay mayroon siyang “heartbreaking news” na natanggap.

Alex Gonzaga on miscarriage: We were clinging on a miracle | The Manila  Times
Photo Source: The Manila Times

Lahad niya, “Hi. 2 months ago we found out that I was pregnant and 3 weeks ago, we got a heartbreaking news that we might be having an anembryonic pregnancy (blighted ovum).

“Our doctor advised us to wait for the process to naturally take its course.

“So we had to wait for awhile for the pregnancy to finally end before we can tell our story.”

Noong mga panahon daw na iyon ay talagang nasubok ang kanilang pananampalataya sa Diyos. Araw-araw raw silang umaasa na may milagrong mangyayari at mabubuo ang kanyang ipinagbubuntis.

Aniya, “The waiting and praying tested our faith and there were a lot of crying.

“Everyday we were clinging on to a miracle that an embryo would still appear but last Tuesday, the Lord’s will prevailed and we finally closed the book of our first pregnancy.”

Mikee Morada on wife Alex Gonzaga's miscarriage – Manila Bulletin
Photo Source: Manila Bulletin

“DON’T EVER LOSE HOPE”

Tanggap na raw nilang ng kanyang asawang si Mikee Morada ang nangyari at isinasara na nila ang pahina na ito ng kanilang buhay bilang mag-asawa. Alam raw nila na marami pang pagkakataon na maaari silang makakabuo at mabiyayaan ng supling.

Mensahe niya sa anak, “To our baby whom we almost had, thank you for giving mommy and daddy joy even for a short span.”

Hangad niya na maging inspirasyon sa ibang mag-asawa ang naging karanasan nila.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show