ALDEN RICHARDS, BINAGO ANG LIFESTYLE PARA SA CHARACTER TRANSITION SA THE WORK BETWEEN US

Usap-usapan ang new look ng Kapuso actor na si Alden Richard sa pagbabalik ng seryeng ‘The World Between Us’ ng GMA network.

Sa isang virtual mediacon noong November 17, sinabi ng aktor na malaki ang mga naging sacrifices niya para ma-achieve ang katawan at look na ‘yon. Halos binago niya raw ang kanyang lifestyle dahil commited siya sa proyektong ito at gusto niyang maipalabas ito nang maayos at maganda.

Alden Richards likens The World Between Us to K-Drama series | PEP.ph
Photo Source: Pep.ph

Pagbabahagi niya, “Ang naging promise po kasi namin in The World Between Us is may mga character transitions, isa na po dun yung character ko.

“So, physically, yes. I really had to change my lifestyle. Hindi lang po sa diet at exercise. Lifestyle po yung binago ko, kasi paglabas po namin after the third lock-in po namin bago po kami mag-final lock-in, talagang binago ko po lahat.”

Gusto raw niya mabigyan ng justice ang napakagandang karakter niya rito kaya naman ginawa niya ang lahat ng makakaya para higitan ang expectations ng marami.

Ani Alden Richards, “Ganun po siya. When you commit something to the audience and to the character, you will do everything talaga para mabigyan ng chance. Kasi, ito po yung teleserye sa buong buhay ko na nagkaroon po ako ng preparation na kahit sa mga days na dapat ipahinga, I still work on it kasi it will show po, e.”

Alden Richards says 'The World Between Us' is his "best teleserye" to date  | GMA Entertainment
Photo Source: GMA News

Aminado ang aktor na lahat ng cast ng nasabing programa dahil alam nila na kailangan nilang higitan ang expectations ng publiko.

“So, parang kailangan you have to break the record. You have to meet your own record na ito, mas matindi ngayon ang acting ko dito,” saad pa ng aktor.

Samantalang dedma naman siya sa mga bumabatikos sa kanilang pagbabalik-telebisyon.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show