ALBIE CASIÑO, IPINALIWANAG KUNG BAKIT HIRAP SIYANG PATAWARIN SI ANDI EIGENMANN

Diretsahang inamin ng aktor na si Albie Casiño, sa panayam ng Cinema News noong November 19, 2021 na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya napapatawad ang dating aktres na si Andi Eigenmann kaugnay sa naging isyu nila noong taong 2011, kung saan itinuro at idiin siya nito bilang ama ng kanyang ipinagbubuntis.

Nagsinungaling daw siya noon sa reply niya kay Andi na napatawad na niya ito noong humingi ng tawad sa kanya sa pamamagitan ng isang text message.

Albie Casiño Talks About His Relationship with Ex-GF Andi Eigenmann -  Philippine News
Photo Source: Philnews.ph

Lahad ng aktor, “If you read my reply, I said, ‘We’re all good. Whatever.’ That was honestly a lie. I just didn’t want to talk to her anymore.

“I feel if I told her how I really felt, the conversation would have gotten longer.

“I really don’t want to waste any more time of my day talking to you, thinking about you. Be happy in the beach wherever you are and just leave me alone.”

Ayon pa sa aktor, bagamat taon na ang lumipas, sana ay maintindihan daw ng publiko na hindi ganoon kadali sa kanya ang magpatawad dahil hindi lang siya ang naapektuhan ng nasabing isyu kundi maging ang kanyang buong pamlya.

Aniya, “Let’s take away all of the bashing, all of the defaming my name in public, even my family’s name.

“They even went up [to] my mom, all the while knowing I wasn’t the dad. Let’s take that out of the consideration.”

Bukod pa roon, labis ding naapektuhan ang kanyang karera dahil sa nasabing kontrobersiya. Milyon milyon daw ang nawala sa kanya dahil sa pagkaladkad ng kanyang pangalan. Ilang proyekto at endorsement daw ang nawala dahil sa mga paninira.

Andi Eigenmann, Albie Casiño renew 2011 feud – Daily Tribune
Photo Source: Photo Tribune

Ani Albie Casiño, “How about I lost a lot of millions of pesos worth of projects and endorsements from that?

“And it wasn’t just a P100,000, bro. It’s a million pesos worth of, I guess, damages. That’s literally money they put out of my bank account. That’s money that could have changed my family’s life. Money that could have changed my life, right?

“So how can I be okay with them? Why would I be okay with them?”

Matapos daw sirain ng dating aktres ang kanyang pangalan publicly, hindi man lang ito naglabas ng public statement.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show