AIKO MELENDEZ, NAGFILE NA NG COC BILANG KONSEHAL NG QUEZON CITY

Pormal nang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) ang aktres na si Aiko Melendez sa tanggapan ng Comelec sa Quezon City noong Miyerkules ng umaga, October 6, 2021.

Muling papasukin ng aktres ang pulitika at tatakbo bilang konsehal sa 5th District ng Quezon City.

Aiko Melendez nag-file na ng COC, muling kakandidato bilang konsehal sa QC  | PUSH.COM.PH: Your ultimate showbiz hub!
Photo Source: ABS-CBN

paglilinaw ni Aiko, hindi raw siya papasok sa pulitika dahil wala na siyang career sa showbiz. sa katunayan, dalawang project nga raw ang kinailangan niyang iwan para ituloy ang kagustuhan na magserbisyo sa publiko.

Paliwanag niya, “Nakatapos ako ng dalawang pelikula ngayong pandemic. May iniwan ako na show na hanggang next year. Hindi ako naghihirap, pero di ko din masasabi na mayaman na mayaman ako.”

Maganda raw ang takbo ng karera niya sa industriya. Hindi raw siya nawalan ng proyekto at endorsements kaya naman gusto niyang maipamahagi ito sa iba.

Aniya, “Marahil na din dahil sa mahal ako ng Diyos kaya tuloy-tuloy ang biyaya na dumating sa akin na gusto ko ibalik sa tao.”

Hindi na raw bago ang larangan na ito sa aktres dahil mayroon siyang siyam na taon na karanasan bilang konsehal. Kahit papaano ay may naitulong siya noong nakaupo siya.

AIKO MELENDEZ #KYLINE ALCANTARA #MIGUEL TANFELIX #I CAN SEE YOU – Manila  Bulletin
Photo Source: Manila Bulletin

“Nag-aral ako at wala ako iniwan na di maganda sa QC. Kaya taas noo ko na maipagmamalaki na babalik ako dahil higit akong kailangan ng aking mga ka-distrito na buong katapatan ko pinaglingkuran dati,” saad pa ni Aiko Melendez.

Buong puso raw niyang ipinagmamalaki na pinaghirapan niya ang pangalan niya sa pulitika. sariling sikap daw ito at hindi lang basta ipinaman at ibinigay sa kanya.

Aniya, “Tumayo po ako at nagtrabaho, pinagpaguran ang inyong pagtitiwala ng siyam na taon dala ang tapat at masipag na pagserbisyo. Ako lang sa pamilya namin ang pumasok sa pulitika dahil sa pag susumikap.”

Nangangako siya susuklian niya raw ang suporta at tiwala na ibinigay sa kanya ng publiko.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show