ADELE, INAMING NOBYO NIYA ANG AGENT NI LEBRON JAMES!

Kinumpirma ng Grammy-award-winning artist/singer na si Adele na nobyo na niya ang agent ni Lebron James na si Rich Paul. Ito ay matapos lumabas ang tsismis online sa unang bahagi ng taon.

Sa kanyang panayam sa Vogue para sa November issue nito, inamin ni Adele ang kanyang relasyon kay Paul.

“Yes, we’re together. We’re very happy,” ang pag-amin ni Adele.

Ibinahagi ng sikat na singer na silang dalawa ni Paul ay may ilang buwan ng nagda-date. Matagal na panahon din silang parehong may common friends.

Inamin din ni Adele na dati ay stressed siya kapag lumalabas sa publiko pero hindi na ngayon dahil hindi raw pinapansin ni Paul kung anuman ang tingin sa kanila ng publiko.

“I did date before Rich, but they hated it. They’d find it stressful being out or seen with me, which meant that I guarded all of it beyond. It never evolved because we were never experiencing things together. Whereas he’s not frazzled by it at all. It feels like it’s consistent and considerate enough that I don’t care who knows,” ang kuwento ni Adele.

“He’s great. He’s so f—ing funny. He’s so smart, you know,” ang dagdag niya.

Noong Hulyo ng taong ito, may mga balitang lumabas na kumpirmado umano na nagda-date sina Adele at Paul.

Mas lalong tumindi ang tsismis nang makita ang dalawa na magkatabi sa NBA finals.

Bukod sa pag-amin sa relasyon niya kay Paul, nagkuwento rin si Adele sa Vogue tungkol sa kanyang padating na album, ang kanyang diborsiyo, at pagbabawas ng timbang.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show